Our story

Baby's out :) LMP Edd July 24 DOB: July 23 37 weeks-1cm 38 weeks- Epo 3x a day for 5 days 39 weeks- Buscopan 3x a day for 5 days still at 1cm. Nagstart nung July 21 ang pananakit ng likod ko. wala pang discharge pero malapit na ko mag 40 weeks based sa LMP. nagpunta kami hospital. sabi 1cm pa lang at pinauwi kami. then kinaumagahan. masakit pa din may interval na 15 mins to 10 mins. may lumabas na sakin na mucus plug na konti. july 22 ng hapon nagtuloy tuloy ang pagdugo pero pinkish pa lang. naglakad ako mga 1.8 km kasi baka yun na yung magttrigger. nakaschedule din pala ako ng induction ng july 23 kasi nga ilang weeks na 1cm pa din. so syempre gusto ko talaga inormal buti na lang nagkaroon na ng signs na in labor na talaga before 23. so nagdadasal ako ng 22 biglang masakit na pati tyan. tas may hilab na din. july 23 nagpunta na din kami hospital kasi induced or papaadmit din lang. pag ie sakin 4cm na. 2:30 pm yun. Diretsyo labor room. mga 6pm 5cm na. then kumain ako. 8pm -7cm na palala ng palala yung hilab. every 2-3 minutes na. nagdasal ako sobrang give out na na si lord na ang bahala tas sobrang di ko na matolerate ang pain after magdasal. then 8:50pm- 9cm na ko dinala na ko sa delivery room bloody show na din. pinutok panubigan ko. 9:40 baby is out. grabe ilan ang tahi ko pati sa cervix meron kasi nga ambilis daw nagengage si baby sa pelvic. wala pa 2 mins lumabas si baby diretsyo sya naglatch. 11:30 kami napunta sa recovery room dahil sa mga tahi ko. Meet Riri our princess. God is good. God is great. Trust him. Makakaya mo yan if your expecting. ayan lamang ang story ko.

36 Replies

Congrats! Hello baby welcome to the pandemic world.. Pagaling ka momshie at sana maghilom agad mga tahi mo. Ganyan din ako sa panganay ko tahi na bongga feeling ko hanggang pwet ang tahi ko kasi ang laki at tangkad ng panganay ko kaya talagang napunit. God is good all the time nainormal ko both panganay and itong bunso ko.

thank you momsh. sana nga maghilom na. parang penguin maglakad e hehehe

Mommy ask kopo kung anong buscopan po ang ininom mo? Gusto kona po makaraos. 39weeks&2days po ako now. 1cm paden ako thanks po.

pampalambot po daw ng cervix e

Super Mum

Congratulations, mommy. Praying for your fast recovery too. 🙏

VIP Member

Congrats po, looking forward sa birthing experience ko ❤️❤️

salamat :) makakaya mo yan momsh. isipin mo nangyayari to dahil kaya ng katawan natin.

Grabe pati cervix mo mamsh? 😱 Congrats and get well soon po 🥰

thank you momshh. oo grabe kasi e hehe sana magheal agad.

Congrats po mommy💖 aq po 37weeks na.. waiting nlng din po...

antay lang momsh. ilang araw na lang :)

Congrats mommy 😇 Pwde po pala inumin Ang primrose 3x aday

thank you po. opo yun sabi ni ob :)

Congrats maamshie ..may power talaga Ang dasal

oo nga momsh. God is good talaga.

woah. congrats momsh!!

thanks po 😊

VIP Member

Congrats mommy 💕

thank you po 😊

Trending na Tanong