1 Replies

VIP Member

Mommy, I know the feeling. Ganyan rin yung naramdaman ko nung nagbubuntis ako, sobrang down na down ako, sinabi ko rin sa boyfriend ko non na kung sakaling kailangan pumili between saakin at sa anak namin, piliin nya yung baby. Yung pagod na pagod kana pati yung taong pinagkukunan mo ng lakas ay isa rin sa nagpapababa at nag papasakit sa nararamdaman mo. Pero alam mo mommy, simula nung nanganak ako, naging baby ko na yung naging rason ko para bumangon at mabuhay ulit. Siguro sya yung binigay sakin ni God para magpatuloy sa hamon ng buhay. Dati gustong gusto ko na tapusin buhay ko kasi feeling ko sobrang useless ko dito sa mundong to. Pero ngayon, kapag nakakaisip ako ng negative thoughts lagi lang akong titingin sa baby ko, kailangan ko mabuhay kasi may anak akong umaasa saakin. Kaya mommy, wag ka sumuko! Tiis tiis lang, libangin lang ang sarili, wag papatalo sa negative na nararamdaman :)

Trending na Tanong