kabag. need advice

Baby ko po is 1 month palang, pagkagising nya po laging nagiinat at parang umiire at hirap na hirap. Normal po ba yun? Ngayon naman po pagkagising laging umiiyak ng malakas. Kabag po ba yun o constipated si baby? Salamat po. **** Need ko po ng advice and inputs from moms na naka experience ng ganito, if comment nyo lang po is punta ako sa pedia, wag nalang po icomment. Nirepost ko kasi matatabunan na po ito dahil sa may ngcomment na punta ako sa pedia ko. Gusto ko po sana suggestions and home remedies and techniques ang maishare. Sana maintindihan nyo po. Salamat.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Parehas po tau. Sakto 1 month baby ko nagganyan sia. Umiire, nag iinat at umiiyak. Makakatulog peri salit lang kasi iiyak na naman.. nilalagyan naman nmin ng mansanilla, pinapaburb din.. kaso meron talagang hangin sa tiyan. Kabag po. Kung pipitikin may tunog na talagang may hangin sa loob. Tinigil ko muna ung formula milk nia na enfalac at pure breastfeed sia ngaun kasi baka isa sa dahilan ung gatas nia na formula. Pinapadapa namin sia para maburp or mautot ung hangin sa tiyan. Bumili din ako ng Restime at pinainum sa knya. For 2 days ko ginawa lahat yan and ngaung araw behave na sia. Mahimbing na tulog at iiyak lang pag gutom..

Magbasa pa
5y ago

That's great sis.. kapag umokey na sia, lagi nalang natin sia ipaburb kahit mdaling araw. Tiis tiis lang..

Ganyan din po ngayon si baby ko 1 and a half month naman sya. Growth spurt po ata. Dede din ng dede at ayaw na halos matulog, idlip idlip lang. Gusto laging karga. Pagkagising iiyak ng sobra namumula pa. Hinahug ko lang po sya at kino comfort. Nagiging ok naman sya. Sa kabag naman po, nilalagyan ko ng manzanilla yung tyan, talampakan at bumbunan nya kapag pagabi na po. Saka I love you and bicycle massage kapag before maligo sa umaga. 🙂

Magbasa pa

Hindi Po b Yun growth spurt sis? Try mo Yung my nakadantay sa binti Niya n unan para kunwari hawak p Rin siya khit tulog tpos my white noise para d madali magising.. check mo din tiyan Kung matigas pag umiiyak.. (matigas tiyan pag on the act of umiiyak dpat pag nag pause siya konti ska mo check mapapansin mo nmn Kung distended Ang tiyan makintab n banat.. kabag Po Yun)

Magbasa pa

Problema ko din sa baby ko to 😔 1 month and 5 days na sya. Natatapat pa madalas na pag mga 10pm hanggang 1am ganun. Kagabi around 7pm-11pm sya ganun. Kahit karga umiiyak at ire ng ire. Minsan medyo green-ish yung poop nya sa madaling araw. Nilalagyan ko naman ng manzanilla pero may times talaga na gusto lang nya dumede ng dumede kahit feel ko busog na sya.

Magbasa pa
5y ago

Same po. Dede ng dede kahit busog na, then green din poop nya pgkagising nya sa umaga.

Ganyan din si baby ko. Nagask ako sa pedia ang recommend nya palitan muna ung milk ni baby. from nan optipro to nan al110. Isa din sa nagcacause ng kabag ang milk. Pwede mo din pong pahiran ng mansinilya ung tyan ni baby. Or lagyan mo ng warm bottle and gently massage it.

Ah ung pag iinat nya normal yan., mandalas po Mas MAIGI na karga mosya Para Mas maramdaman mo closer kung aNong bago sa KANYA at ung constipation pa check mopo ung milk na nabili mo... Suggest kopo mag alatate milkkapoif need mo magpa breastfeeding

5y ago

Breastfeeding po siya, minsan po yellow minsan green ang poop nya kaya baka po kabag lang hehe thank you po

ahhh...put mansanilla sa tummy and likod nya...then with ur two fingers massage the baby's tummy in circular motion....after un ull see ok na xa...uutot ng uutot yan.morning rituals nmin yan ng baby ko..kc same din tau eh...

Nood ka po videos ng mga colic massage, effective po, ganyan din baby ko mag 2months na sya, nung una natatakot din ako pero ngayon alam ko na pag umiire sya klangan nya lang makautot then okay na ulit sya..

5y ago

Thank you po! Ang lakas kasi ng ire parang in pain siya

Hilutin mo ng aciete alcamporado or manzanilla. Tapos padapain mo siya momshie, tap tap mo ng mahina para mag burp at umutot. Magiging okay din siya. Si baby ko certified kabag boy ng pamilya namin hehe

5y ago

Thank you po. Hahahaha grabe, eto si kabag girl. Lakas na rin po kasi dumede.

VIP Member

Same here tayo momsh lagyan mo manzanilla yung tummy nia momsh sabi din ng pedia ni lo ko baka nagi2ng aware na sila sa environment

Related Articles