1 month and 11 days old

Baby ko huling dede nya, 9 ng gabi. Anyways breastfeeding po sya. Direct latch sya. Iyak pa sya ng iyak kagabi kase may pupu pala di ko napansin kaya pala iyak sya ng iyak. Pinapadede ko lang at dumede naman sya tas yun napalitan ko na at nakatulog na sya. Ilang oras din syang gising kagabi dahil ayaw pa matulog at yun pala ay may pupu. Sunod na gising namin, 1am dumede sya pero saglit na saglit lang at natutulog na kaya hiniga ko na. Sunod na gising namin 3am, pinadede ko pero saglit na saglit lang din at natutulog na sya :(((. Hiniga ko. Gumising kami ng 5 ata, nagpupu kaya pinalitan ko diaper. Kanina pinaiyak ko para daw lumakas ang baga sabi ng nanay ko at para na din magutom sya kase saglit lang dumede eh. After ng mga 5 mins, pinadede ko na. Pagkadede nya, saglit lang din dumede at natutulog na :((((((. Kinakabahan ako bat ayaw dumede ng baby ko, eh ang takaw takaw nun. Now lang sya naging ganito. Help po. Bukas pa yung sched ng pedia nya sa may ospital eh. May ganito din ba kayong sitwasyon? Anong reason po bat ayaw dumede ng baby nyo?

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

My 6 months baby din 1 momth ng humino dumede (formula milk) tried changing milk,nipple and even yung bottle na mismo pi apalitan ni pedia pero same pa rin hanggang ngayun mahina pa rin though di naman bumababa timbang nia pero mabagal pagbigat nia binabawi ko na lang sa solid food...

pareho sila ni baby ko.. sobra lang sya isang araw. formula naman baby ko and minsan talaga napapansin ko matumal sya sa milk di tulad dati mayat maya sya.mas gusto nya matulog.

Mosh nakakapraning talaga pag hindi natin alam ang nangyayari kay baby. Pacheck mo po para sure. Kung may sakit man, maagapan, kung wala naman then mawawala po worries mo.

ganyan rin baby ko nung nag 2 months mahigit atsaka lang naging matakaw pinupuyat na nga ako eh.. pag baby kc talagang tulugin pa

VIP Member

Mukang nasa growth spurt stage si baby mo mami. May baby na dede ng dede. Meron naman tulog ng tulog.

Growth spurt po minsan, some babies likes to drink milk more or some babies tend to sleep more.

baka may laso ang dila nya or check mo yung lalamunan nya bakit di sya nadede ng madami

Baka may narramdaman baby mo

VIP Member

Up

VIP Member

Up