Reign Sebastienne

my baby girl .. EDD Sept 25, pero 26 ko naipanganak si Lo 3kls timbang, 51 height .. talaga palang malalaman mo kung lalabas na siya kasi ang sarap na umere .. thank you kay Lord at di kami pinabayaan at sa midwife na nag asikaso sa amin ni Lo. Sa lahat ng mga soon to be mommy, kausapin lang lagi si baby at si Lord.. kaya natin to ?.. worth it lahat ng pain ?

Reign Sebastienne
74 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congratsss Mamsh πŸ’™β€πŸ€©πŸ’™ Halos sakto sa Due date mo β€πŸ€©πŸ’™ Grabeee share mo naman mamsh pano ka di nastress or ginawa mo para di mainip. Sobra na kasing inip ko btw 38 weeks palang ako

5y ago

ang ginawa ko lang mommy, nong nagbubuntis ako sa kanya is treneasure ko moments na nandun pa siya sa tummy. yong mga galaw niya sa loob .. kasi mamimiss mo din pag nasa labas na siya πŸ˜‰ .. at kausapin mo siya while hinahawak hawakan ko tummy mo na hwag ka pahirapan, magtulungan kayo pagdating ng labor, kasi nagle labor din daw sila sa loob ..

Ganda ganda naman baby girl ❀😍 sayang di kita nging kabirthday .. wahahaha wala lang po πŸ€£πŸ˜‚ Congrats momshie ,and palakas kau ni baby mo 😊

Congrats po! Di sya napoop? October 1 na kasi duedate ko pero hanggang ngayon di pa 'ko nanganganak πŸ˜‘

5y ago

hindi naman mommy, add or plus one week sa due date .. malayo pa naman due date mo, kausapin lang lage si baby sa tummy

Congratulations πŸŽ‰ ako din excited na makita ang baby boy namin ❀️

congrats sis!😍 currently on my 38th week. super excited na din πŸ’—

Congratchyyyyy!!! Waaahhh!!! God bless our babies! πŸ™πŸ€°πŸ˜Š

VIP Member

Congrats po. Welcome baby., kabday ko po baby mu momsh 😊

Congrats momsh kbday cla ng baby q😊

Can you tell me more about your experiences?

5y ago

bale momsh nagising ako kahapon 1am masakit yong puson ko na parang rereglahin. nakailang ihi ako na may kasamang dugo, talagang pag dugo ang lumabas masakit ang labor . mga 12nn kahapon nagpa ie ako nasa 5cm pdaw, dapat magpa ie ulit after 4hrs para iwas uti. eh nong mga bandang 2pm na sunod sunod na ang sakit, kaya feeling ko gusto ko ng umere, kaya bumalik ako sa delivery room, at mga 2mins lang pumutok na panubigan ko. at pinag squat pa ako ng midwife, sabi ko gusto ko na talagang umere, kaya mga 2:30pm kahapon nailabas ko na si baby, ang sarap sa feeling yong paglabas niya, maluwang sa tiyan ..ang masakit lang yong sa tahi .. di pa ako marunong umere buti mabait ang midwife, dapat sa tiyan manggagaling ung pag ere, hwag daw sa neck. hwag ka masyadong mag ingay if nagle labor kasi mawawalan ka ng lakas .. kaya yan mommy πŸ™‚

VIP Member

ang ganda naman ng baby na yan😊😊