bangungot/sleep paralysis

hi, ayoko mg sound weird or nakakatakot but i started mg 2nd trimester kahapon and ngstart din ako ng nightmares and sleep paralysis. Nagdadasal ako before magsleep and pagkagising, praying and church is my hobby naman. Nainom naman ako ng tubig 2 hrs bago mg sleep at hindi din ako natutulog ng busog. Second day today na may kamay na humihila sa tyan ko at hindi nya binibitawan ang tyan ko. Natatakot na akong matulog. Second time today na ginising ako ng asawa ko kase umuungol na ako. Actually 2 mins na akong sumisigaw sa paralysis ko ng "bitawan mo ako! Umalis ka! Lord help me! " pero ungol lang ang narinig sken ng asawa ko. Di ako makagalaw, at itinaas nung kamay sa paralysis ko ung mismong kamay ko. Hawak nya yung tyan ko, same sa kagabi hawak din nya ang tyan ko ang pagkakaiba lang kagabi dinag anan nya ung tyan ko kaya nagising ako mg sobrang bigat ng right side ko. Normal ba ang sleep paralysis/nightmares sa gantong stage ng pagbubuntis? Takot na takot ako now, oh Lord please help us 😭 #1stimemom #advicepls #pregnancy

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Same tayo mi pero nangyayari sakin yan nung di pa ko buntis. May mga duwende naman ako nakikita, may mga humihila sakin pataas para kong lumulutang. Halos araw araw. Kaya di na ko pwede matulog na walang katabi ngayon kaso dati wala kong katabi, walang gumigising sakin. Sakin kasi nakita ko pattern nyan mi. Pwede mo track sayo kung ano madalas mo gawin before matulog and baguhin mo yun. Sakin, pag nakakatulog ako agad ng nakatihaya. Yung tulog na drift off at di mo alam na nakatulog ka na. Dun nangyayari sakin yung sleep paralysis. Tinry ko mag-iba ng position, pero nun kahit nakatagilid ako nagsleep paralysis pa din ako. So ang ginawa ko, nagpapapagod ang ng mata. Then pag nakaramdam ako ng antok saka ko matutulog. As much as possible, natutulog ako ng medyo nakasandal ng onti. Naglalagay ako ng unan sa binti ko. And nagiiba ako ng pwesto sa higaan (dati nasa ulunan ng bed yung pwesto ko, then nasa paanan naman). Pag inaatake ka mi, GALAWIN MO YUNG DALAWANG HINLALAKI MO SA PAA. Nabbreak nun yung sleep paralysis. Sana nakatulong ❤️

Magbasa pa
2y ago

salamat po...way back naman noon mga 2018 po gnyan din ako sa house ng parents ko e, carnival scene naman lage ang nkkta ko and again may lalaki na parang gusto akong anuhin lage kase syang pumapatong sa akin..pero kapag sa apartment naman namen noon ako natutulog hindi naman ako noon ng sleep paralysis so simula po nung ng asawa ako at umalis na ng bahay di na ulit ngyare now lang po ulit, this time ibang creature naman 😔 baka kaka panuod ko ng stranger things kaya nakikita ko na si vecna 😭😭😭

baka may trauma or pinagdadaanan ka sis, dati hindi pa ako buntis ganyan ako nagkaka sleep paralysis dahil sa sobrang pagod at takot, victim kase ako ng abuse, pero nilabanan ko sis