🩺 Ask The Expert with Dr. Mitch Dado: Postpartum Recovery & Irregular Periods

Mula November 24 hanggang December 1, magkakaroon tayo ng special Ask The Expert (ATE) session EXCLUSIVELY sa theAsianparent app kasama si Dr. Mitch Dado, OB-GYN! Kung ikaw man ay bagong ina, matagal nang mommy, o isang babaeng gustong mas maintindihan ang nangyayari sa katawan niya, normal lang makaranas ng iba’t ibang changes sa menstrual cycle at overall health — kahit hindi ka bagong panganak. Sa one-week ATE, pwede kayong magtanong tungkol sa: 🌸 Postpartum Recovery - Gaano katagal dapat ang recovery? - Pain, discharge, hormonal at emotional changes - Paano naka-aapekto ang breastfeeding sa katawan - Kailan pwedeng bumalik sa exercise o intimacy ⏳ Irregular Periods (Para sa Lahat ng Moms) - Mga dahilan ng irregular cycle sa iba’t ibang yugto ng buhay - Stress, hormones, timbang, PCOS, thyroid issues, at iba pa - Paano naaapektuhan ng pregnancy, breastfeeding, o birth control - Kailan dapat magpatingin sa OB-GYN 💬 Iba Pang Women’s Health Concerns - Pelvic pain - Vaginal health - Fertility questions - Hormonal imbalance - PMS - At kahit ano pang tanong tungkol sa katawan mo Walang tanong na “mababaw” o “masyadong personal.” Safe space ito para sa lahat ng Filipina moms at kababaihan. 📩 Ilagay lang ang tanong ninyo sa ATE box sa theAsianparent app. Sasagutin ito ni Dr. Mitch buong linggo para magbigay-gabay at suporta. ✨ Ang katawan ng babae ay dumadaan sa napakaraming pagbabago sa bawat season ng pagiging ina. Karapatan mong maintindihan ang nangyayari sa’yo — andito si Doc para tumulong. Sali na sa conversation, ONLY sa theAsianparent app, mula November 24–December 1!

🩺 Ask The Expert with Dr. Mitch Dado: Postpartum Recovery & Irregular Periods
9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Doc, good evening po , 2 months CS postpartum po ako, tatanong ko lang po hanggang kelan po magsusuot ng Binder? itatanong ko na rin po magaling na po sugat ko need ko pa po ba lagyan ng betadine at Gauze yung incision? natatakot po kasi ako baka mairritate, sana po mapansin , thank you in advance po 🙏

Magbasa pa