CS o Normal
Assuming na walang issue kay baby, ano mas pipiliin nyo, CS o Normal? State your answer tapos tell us the reason.

Mas maganda ang normal. Pero sa tulad ko na maliit ang sipit sipitan at maselan talagang naka sched na for cs. 🙁
Normal. Pero di mo kase masasabe yon ako kase as in okay lahat pero cs padin sa sobrang laki naman ni baby hehe
normal ako sa first child ko.but now na emergency cs ako nung dec.12..hirap ma cs dka makakilos ng maayos😭
Normal. Mas mabilis ang healing. At pwede makarami ng anak. Hehe. Sabi kasi nila pag CS, hanggang tatlo lang.
Go sa normal.. pero kung ano maadvice ni ob sa huli yun ang sundin. Para rin sa safety nyong dalawa ni baby.
Normal, pero high blood sugar kahit insulin na ko 2 shots di pa rin bumababa. Napilitan sila iCS ako. 35 weeker btw
Normal delivery. Luckily nakaya ko yung labor at nailabas si lo ng walang hiwa. Napaka bilis lang ng recovery ko.
Hindi ba un ung sipitsipitan? Un nga mismo ung daanan ng baby.
Ofcourse normal. Kaso na cs din ako naka siksik si baby sa gilid un pala cord coil kaya ayaw bumaba.
Normal po. The next day ok ka na. Bukod sa less gastos. Makakafocus ka agad sa pag-aalaga sa baby.
Normal po syempre. Mas mabilis ang healing process ng normal at paglabas ng breastmilk ng mommy.




Mummy of 1 maarte princess