24 Replies

Ako bago manganak ipon namin 100k, pero sympre dahil nag resign na ako sa work at namili pa mga gamit ni baby pati nag pa install ng aircon at automatic washing machine kasi wala ako helper pag anjan na si baby kaya nabawasan na ung 100k down to 38k nung kabuwanan ko na. Ang ginawa ko non 3 months before due ki lumipat ako public hospital, 750 pesos lang bill namin noon kaya laking tipid namin talaga nung nag public ako. Kaya mas ok mamsh mah public ka, ok na yang 10k kung yan lang ang kaya niyo ni hubby importante normal lahat sa pag bubuntis mo, sa public hosp wala ka gagastusin don

FTM din sis, April 2019 ako nanganak. Sobrang blessed kami nung nabuntis ako kasi pabalik na sa barko si hubby tapos ako ay nakalipat ng work na may insurance coverage. CS ako sa private hosp at nagkaroon ng complications, 16 days ako in total sa hosp, 300k halos nagastos, super blessed namin dahil 80% nireimburse ng insurance. Mahal talaga sa private hosp. Pero lesson po talaga, hanggat maari pasobrahan ang ipon kasi di mo alam ang mangyayari... para din makatipid, pwede sa public hosp o lying in nga. Buti may philhealth ka din po, malaking tulong din yun.

Personal mo na din napuntahan ung lying in? Dapat macheck mo din dun ung mga expenses talaga para di magkagulatan sa gastos. Naku bakit naman hiniram pa ng kapatid mo.

VIP Member

Nako po sis, sabihin mo kay hubby gawan ng paraan para madagdagan ksi baka bigla need mo irush sa hospital lalo na ftm ka. Ganyan din nangyari sakin e nagpakampante ako na makakapag normal delivery ako dhil ok kami ni baby then nung mga bnda 37 weeks na nakita sa pelvimetry na maliit pelvis ko kya mhihirapan bumaba si baby ayun ending na CS ako mamsh. Buti nlng ung niready nmin pera ni hubby is sobra kaya di kmi nagka prob :)

2nd baby ko lying in lang na trauma kc q sa hospital nun una q.. Feel ko mas naging ok pa nga ako dto mabilis ako nanganak at alagang alaga ako parang bahay lng.. Malinis at maganda pa at dahil private lying in sya magaling din nmn ngpaanak sakin d gaya minsan sa public govt na lying in.. Na save. Q pa malaking nkuha q sa sss..thank god maaga ko din napabinyagan lo ko..

Sana nga po ayaw q din pti tlaga sa hospital nanganak kc ate q sa hospital jusko gravi kla mo pti ang cr basurahan na...

Ako nga po 5k nakatabi eh. Sa lying in din po plano manganak. Feel ko kasya na yun sobra pa since covered naman daw philhealth inexplain din sakin. Pero icoconfirm ko pa yung estimated amount para sure. Di nama kasi lahat kaya magtabi ng malaking pera 😭

True po lalo na qng financial pa nga lng araw2x qlang na anu pa po maitatabi...

Ako first time mom din , and nung nanganak ako sa lying lang din ngtabi ako ng 20k if in case but thanks God walang problema. Covered lahat ni philhealth, zero billing . ngbayad lng kami ₱400 for the BCERT. kasi sila na ngprocess.

i hope same po tau worried kc aq na bka kulangin ung pera na save q eh" if ever na magka problema.

Okay lang yan mamsh ssabihin naman ng OB mo magkano gagastusin mo e palagay ko sobra pa yang 10k nayan. Yung iba nga nanganganak wala ipon e pero nakakaraos sila lalu na wala naman complications ang baby mo at ikaw.

VIP Member

Aq mamsh nsa 50k ipon nmn non pero public hospital aq nanganak and naka indigent philhealth ko kya ni piso wla kaming binayaran. After manganak don na marami ang gastos like bili ng mga needs pa ni baby.

Pwede yan mommy pag lying in pero g nagkaroon ka ng complications if ever, sa public hospital ka magpadala para maliit lang bayad mo if ever. Doble ingat para walang maging prob. At mega dasal din.

VIP Member

Lying in ako mamsh. Free lang kasi may philhealth pero private room kinuha ko so yun lang binayaran ko 1,800 then after 2 weeks binigyan kami ng 2k galing sa lying in.

Buti pa kayo wala babayaran or laki natipid ako kasi clinic din ng private ob ko manganganak sabi nya 7k daw bawas na philhealth.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles