Ano ang home remedy sa pagmumuta ng mata?

Hi! Ask lang po sana kung ano ang home remedy sa pagmumuta ng mata ng bata o gamot sa sore eyes. Baby ko ay 1 year and 4 months,. Nagbakasyon kasi sa probinsya, ilang days lang. Ayun nagmumuta ang mata niya. Or ano po ba mga natural home remedies na safe as gamot na ginamit usually sa eyes ng baby, gamot sa kuliti, gamot sa sore eyes. Salamat po!

37 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Normal na eye discharge--ito ang dahilan para sa karamihan ng kaso ng pagmumuta ng bata ng bata. Tinatayang nasa 5%-10% ng mga bagong silang na sanggol ay mayroong blocked tear ducts. Ang karaniwang sanhi nito ay ang pagkakaroon ng undeveloped na tear duct na naaayos rin pag lumaki na ang bata. Dahil sa tear ducts na ito, naiipon ang discharge at nagiging muta. Hindi naman kailangan ipagamot ang ganitong kondisyon, pero may ilang bagay na maaaring gawin para komportable si baby.

Magbasa pa