Eye contact @ 5mos.old

Hello, ask kolang, 5months na si baby ko pero bakit kaya pag karga ko paharap sa akin kapag kinakausap ko di tumitingin sa akin, sa kaliwat kanan sya natingin. Kahit kapag nakalapag sya at kinakausap ko titingin sa akin pero saglit lang then sa iba nanaman nakatingin. Okay lang poba yan? Worried ako kasi dba dapat okay na ang eye contact nya. At minsan ang hirap nya pangitian. Thanks sa sasagot. #1stimemom #advicepls #firstbaby #worryingmom #pleasehelp

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi po try mo sa mga toys like rattle iharap mo sakanya kung nagreresponse siya at sinusundan ng mata niya Di kasi natin sure baka mamaya malabo pala eyes ni baby. Kamusta ngapala result ng hearing test ni baby nung newborn? May gulat ba siya pag may naririnig na malalakas na tunog? Ilan lang po yan sa pwede niyo iassess kay baby.. Wag din po tayo magcompare sa development ng iba.. Focus po kayo sa pakikipagkwentuhan kay baby wag mo tigilan hanggat d siya tumitingin sayo😊 At kung madami po kayo mapansin kay baby maganda mapaconsult kay pedia.. 😊

Magbasa pa
3y ago

yes po, salamat.

kamusta po baby mo? may development na ba? same case with my baby po

2y ago

mommy musta napo baby niu?

VIP Member

observe mo lang mi