speech problem
ask ko lng po kung anu ba ung maaring gawin sa 4yrs old ko na bulol magsalita
May mga kids talaga na medyo delayed or hindi pa gaanon ka fluent yung pag sasalita nila, lalo na nung baby pa cya e binibaby talk. May nabasa ako na isang article na iless yung TV and gadget para ma improve yung pag sa salita nila, try nyo pong basahan na lang cya ng books and laging kausapin. And kapag nabulol make sure na icocorrect and huwag tatawanan kaso pag tumawa thinking po nila ay nakakatawa yung sinasabi or ginagawa nila. :)
Magbasa paHi sis. Meron akong pamangkin mukat mula hanggang ngayong 5yrs old na siya. Bulol din. Di namin maintindihan sinasabi. Hinahayaan nalang namin. Saka kinakausap lang din namin ng maayos, yung tamang pronounciation. Pinasok namin sa school kahit mahirap intindihin. Para maturuan ng teacher sa tamang pagpronounce. Tapos kahit kami sa bahay, tinuturuan pa din namin. Meron namang improvements. Tyagain niyo lang po.
Magbasa paPractice lang nang practice na magsalita. Give him books at iwasan panoorin nang TV at pag gamit nang gadgets. Tapos pag kaya na niya magbasa nang book, pabasahin mo out loud. Or you can even try saying numbers or any word tapos paulit mo sa kanya.
Awa nang Diyos, gumaling ako magsalita at nag exceed ako sa expectations nila sakin. Nadevelop nang husto kakapractice ko sa sarili ko momsh. ❤️
same problem with my 5yrs.old son, di nman namin sya kinakausap ng baby talk pero bulol pa rin.sabi speech problem na daw for his age, need na mag speech therapy pero hinahayaan pa rin namin ni hubby kasi sooner or later mag iimprove din sya.
nasa ating mga mommies ang best decisions for our kids. goodluck po and enjoy
may late po tlga na mga bata mgsalita. . matututo din po yan ng kusa. basta kausapin lagi at wag din bubululin kapg kinakausap. . may iba kasi na mommy na pg bulol ang baby,ngbubulul-bululan din mgsalita.😊. .
Parctice lang po ako may napapanood ako sa vlog na nag school na nga anak nila 7 years bulol pa din. Ganon ata talaga ung iba, mag iimprove din po yan katagalan
thanks po
Ipractice lang po ng ipractice mag salita gnyan din yung pamngkin ko hanggang sa nag straight na sya mag salita
yes maam pinapractice ko po daily kaso nga lng mey katigasan din ang ulo ng bata at mas marunong pa kuno xa kysa sa nagtuturo haha.... thanks
Mama bear of 1 active little heart throb