HEARTBURN

ask ko lng po ano po ba dapqt gawin pag nag ha heartburn ang buntis?? 34 weeks here.✋ thanks..??

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Paunti-unti lang ang kain at pag-inom ng tubig, pero mas madalas. Ito rin ang payo ng mga OB GYN sa anumang digestive problem na nararanasan ng mga nagbubuntis. Dahil nga kasi lumalaki na ang tiyan, hirap ang digestive system na gumana ng maayos. Kung marami ang kain, mas mahirap makatunaw, kaya’t malamang ay sisikmurain. Iwasan din ang pag-inom habang kumakain; uminom ng tubig pagkatapos o bago kumain. Nguyaing mabuti ang pagkain, at huwag magmadali. Mas madaling tunawin ng sistema kapag nanguyang mabuti ang pagkain. Iwasan din ang pagkain at inumin na suspetsa mo nang nakakapagsimula ng heartburn o acid reflux mo. Ayon kay Dr. Villarante, ang fatty foods, chocolate, pagkaing maanghang, pagkaing maasim, pagkaing hitik sa acid tulad ng citrus fruits at anumang pagkaing may kamatis o tomato sauce, pati na inuming carbonated at caffeine ay dapat iwasan. Nakakatulong ang pag-inom ng antacid 30 minuto bago kumain ng tanghalian o hapunan, kung sadyang madalas ang atake ng hyperacidity, payo ni Dr. Villarante. Itanong sa OB GYN kung anong antacid ang rekumendado niya para sa iyo. Chewing gum naman ang subukang nguyain pagkatapos kumain. Ang laway na nabubuo sa pagnguya ng gum ay makakatulong na sugpiuin ang anumang acid na bumabalik mula sa esophagus. Siguraduhing “sugarless”; hindi makakabuti ang sobrang tamis sa pagbubuntis. Iwasan ang pagkain (lalo kung mabigat tulad ng kanin o pasta) ilang oras bago matulog. Umupo o tumayo muna pagkakain, ng hanggang isang oras kung maaari. Maglakad-lakad sa loob o labas ng bahay para hindi ka mapilitang umupo. Ito ay nakakatulong sa digestion, kaya’t makakaiwas sa heartburn. Alamin sa iyong OB GYN ang dapat na timbang, para maiwasan ang labis na pagbigat. Kapag kasi bumibigat ang katawan (hindi lang ang tiyan), nakakadagdag sa discomfort.

Magbasa pa
VIP Member

I drink omeprazole momsh, over the counter naman un at safe po sa buntis. Otherwise pwede rin po elevated ang unan at upper back mo pag matutulog

gaviscon sis super effectve...😊

5y ago

Super effective po ba talaga ang gaviscon?