maliit ang baby

ask ko lng po... 6 mos. and 2 weeks na po aqng buntis pero ung baby q dw po e maliit at wala pang isang kilo. ? lalaki at bibigat pa po kaya sya bago lumabas??? 2 months mhigit nlng ???

610 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din sakin mii maliit baby q sabi ng ob at nung nag ultrasound saken pero sobrang active sobrang kulit nya tlga.. dipende cguro tlga sa pag bubuntis kc sa unang baby q 2.6 lang nung lumabas sobrang liit nya parang kcng laki lang ng coke kasalo hahah pero okay namn sya healthy pero Cs aq non at Cs din parin aq kc maliit sipit sipitan q 31 weeks now ang chan q .. 60kg aq nung nag buntis until now 60kg paden aq 😅 kaya okay lang yan sis wag ka mag alala.

Magbasa pa

same mos.and weeks, ganyan din sabi sakin ng midwife namin sa center,maliit lang si baby sa loob, January nagtimbang ako 51klos ako, then feb.naging 52...tapos ngayong march umakyat sa 56.7 ang kilos ko, sobrang laki na ng tiyan ko, at ang lakas ko kumain, pero si baby yung size nya nong nakaraang buwan, yun padin ngayon...parang di ako maniwala...kasi pakiramdam ko ang bigat na ng tiyan ko...at ang likot din ni baby...di pa nga lang ako nagpa ultrasound,

Magbasa pa

tama lang po yan akin 27 weeks .9gram sakto lang raw po yan sabi ni ob dont worry mommy, saka kung kakain ka dapat healthy pa rin veggies fruits wag ka magalala kung maliit tummy mo importante nakakain mo masustansya, gatas, saka lagi yung gamot naiinom yun napakaimportante, naglaboratory kami thank god na normal lahat at sa cas kaya very good ako sa ob ko pagpatuloy lang kung ano kinakain raw. bawal sa sweets, softdrinks hanggat maaari.

Magbasa pa

kumain ka siguro mamshie. 3 categories kasi yan: low birth weight (1500-2400g), very low birth weight (1000-1499g) at extremely low birth weight (less than 999g). Nabasa ko kasi dati sa na findings showed an 11.5% prevalence of low birth weight in ASD (autism spectrum disorder) patients that suggest a possible relationship between these two and warrant more extensive investigation. kaya as much as possible kumain ka po sana mamshie

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan din worry ko sis, 6 months and 1week lang din po ako pero sabi ng OB ko normal daw sa 1st tine mom ang maliit na tiyan, kasi di pa ganun nag eextend ang uterus. at nung nagpa-Congenital Anomaly scan ako 3 days ago, tama lang daw ang laki at bigat ni Baby. Makikita daw ang difference pag 8-9months na. Wag ka po mag-alala, always ask your OB when in doubt. And don't forget to eat healthy food and always Pray. 😊🙏

Magbasa pa

No worries po, possible namn na madagdagan yan si baby ng timbang iwasan nyo pong ma stress at kumain kayo ng mga healthy foods,kain kayo ng sweets wag lang sobrahan...baka sumobra namn ang timbang ng baby nyo.Pero ang mahalaga sa lahat safe kayo ni baby at normal na maideliver si baby dahil walang komplikasyon,pray more lang po tayo dahil sasamahan tayo ni LORD sa panganganak natin.

Magbasa pa

skin po nung 6 months ang tiyan ko nasa isang kilo na higit si baby kya mashado nako hingal lalo ngayon 7months na sia s tummy ko at mashadong active kya thanks GOD bsta nagalaw si baby s tummy mupo mommy it means na healthy si baby sbi rin ng iba mas okay lg na hindi malaki si baby sa tiyan pag labas ksi madali lg nmn dw patabain ang baby pag nakalabas na lalo na pag breastfeed po.❤️

Magbasa pa
VIP Member

Lean meat, eggs, milk... Meron din vitamins para madagdagan ang timbang ni baby sakin noon ang binigay ni ob onima kapag hindi available sa drugstore moriamin forte.., sakto lang sa timbang ang baby ko nun pero may history kc ako ng preterm birth kaya sabi ni may tendency na maulit kaya dapat palakihin namin ng palakihin si baby it doesnt matter naman kc repeat cs naman ako manganak.

Magbasa pa

29 weeks ako, sabi ng OB ko magaan and mallit sa ideal. nasa 41kg ako dati. Kaya ni referred nila ko sa dietitian para sa right amount ng food na kailangan ko. And para safe din si baby paglabas . minsan daw nahihirapan pagpinapanganak pag sobrang liit. May existing medical condition kasi ko kaya mabusisi sila sa case ko. Better ask your OB kasi iba iba case nating mga mommy. 😊

Magbasa pa

Lalaki pa siya at bibigat phdating ng 8 months.pero depende din po yon kasi as of now 35 weeks ako and maliit daw si Baby ko hindi dahil sa hindi ako kumakain ng madami pero dahil sa genes namin ng Partner ko.Mas okay daw na kapag nanganak kana at nailabas mo si Baby dun mo nalang siya palakihin dahil mahihirapan karin mommy ma manganak baka may Chance na ma Cs kapa kapag ganon

Magbasa pa
Related Articles