Ipacheck nyo po kay pedia, mommy. Ganyan first baby namin, he's 2yrs 4months na, ok naman sya. Nagresolve naman on its own, tsaka wala naman kasi talagang mata na 100% pantay. Sa daddy ng baby ko ganun din ang mata so I suspect sa kanya nakuha ni baby.
If you're worried po, let your pedia know para macheck nya. Common po sa infant ang banlag kasi hindi pa nakakapagfocus nang maayos ang mata nila, pero at 7 months hindi ko po sure, so best to have it checked na lang po. If banlag po talaga sya, maigi na po na maagapan, usually corrective glasses lang po ang kailangan para maging ok. As long as maagapan mommy hindi nya magiging problem yan in the future. I started wearing glasses at 5 years old, may konti pa rin akong banlag. Pero since maliit pa si baby mo, for sure mas ok ang chances nya if in case na banlag nga talaga sya.
Wag mo pakinggan yung iba, mommy. Kung hindi naman out of concern ang pagsasabi nila ng ganyan, deadma na lang. Or kung ayaw tumigil, sabihan mong tigilan na nila.