Baby's Eye.

Ask ko lang po. Yung mata po ng baby ko eh singkit pero hindi po parehas ang size ng mata nya mejo maliit yong isa. My time po na parang yung itim ng mata nya ay asa gilid na tas yung isa ay hindi pa pero hindi naman po palagi my time lang. Naiinis po ako kapag sinabi nilang banlag ang anak ko. Ang liit liit pa nya pero puro panghuhusga na agad ang sinasabi nila kesyo banlag daw!! Mas tanggap ko pa na ako ang pulaan nila wag lang ang anak ko kaya mas masakit po eh sa family ko pa mismo nanggagaling akala mo naman ay kagagandang lalaki. Baby boy baby ko at diko ikahihiya sya napakagandang lalaki naman ng anak ko. 7months palang sya. Ramdam ma ramdam ko ang postpartum depression kapag ganito ang environment. Sa paraang ito nailalabas ko po sama ng loob ko at malaking tulong po ang app na to kasi my mga mommy's na nakikinig. Thank you po. #1stimemom #advicepls #firstbaby

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ipacheck nyo po kay pedia, mommy. Ganyan first baby namin, he's 2yrs 4months na, ok naman sya. Nagresolve naman on its own, tsaka wala naman kasi talagang mata na 100% pantay. Sa daddy ng baby ko ganun din ang mata so I suspect sa kanya nakuha ni baby. If you're worried po, let your pedia know para macheck nya. Common po sa infant ang banlag kasi hindi pa nakakapagfocus nang maayos ang mata nila, pero at 7 months hindi ko po sure, so best to have it checked na lang po. If banlag po talaga sya, maigi na po na maagapan, usually corrective glasses lang po ang kailangan para maging ok. As long as maagapan mommy hindi nya magiging problem yan in the future. I started wearing glasses at 5 years old, may konti pa rin akong banlag. Pero since maliit pa si baby mo, for sure mas ok ang chances nya if in case na banlag nga talaga sya. Wag mo pakinggan yung iba, mommy. Kung hindi naman out of concern ang pagsasabi nila ng ganyan, deadma na lang. Or kung ayaw tumigil, sabihan mong tigilan na nila.

Magbasa pa

hi mommy may lazy eye po ang anak ko dati. Awa ng Diyos okay n po eyes niya. She's 7 y. o now. Avoid niyo po muna gadgets and patulugin on time. Pag pagod po ang bata mas visible ang lazy eyes. As per pedia we can use eye patch, pwde din po kasi mawala ang lazy eye kapag nag 7 y. o n, awa ng Diyos hndi wla n po sya lazy eye

Magbasa pa