MOM OF TWINS
Ask ko lang po sino po ba ang panganay sa kambal?? Yung unang lumabas o pngalawa
Hi, mami! Based sa medical explanation, sa tanong na paano malalaman kung sino ang panganay sa kambal, yung unang lumabas talaga ang considered na eldest. Kahit ilang minutes lang ang pagitan, siya na ang panganay.
Kinagisnan na kasi mommy, ang unang lumabas ay panganay. Pero ang pinagaralan namin sa school, ang huling lumabas ang tunay na panganay. Dahil siya ang unang na-develop sa womb kesa doon sa naunang lumabas. π
yung una po mommy ang panganay. yung husband ko po may kakambal,si hubby ang panganay kasi sya nauna lumabas. π pero sabi ng iba yung huling lumabas ang panganay kasi sya ang mas naunang mabuo.
kambal po ako at huli ako lumabas pero ako po ang panganay sa amin kc explain ng doktor sa nanay ko ako ang una nabuo tpos naipit sa loob nung nabuo ang kakambal ko kya sya ang nauna lumabas.
ako po may kakambal, last ako lumabas after 5mins kaya ako daw ang bunso hehe pero sabi ng iba kung sino daw ang huling lumabas yun daw ang panganay. pero di naman nasunod π
sabi nila yung 2nd na lumabas daw. kase ayun ang unang nabuo. Pero ang nilalagay nila sa BC in order kung sino ang una talaga siya ang first at kinoconsider na panganay.
Yung una mommy kasi mas una syang naipanganak kaya sa BC mas matanda sya ng ilang minutes kesa sa twin nya. haha! sabi naman ng iba kung sino daw nahuli sya ang una.
Naguguluhan dn ako jan. Me kilala ko kambal, siya daw panganay kc siya huling lumabas, bat kako? ee kc daw nagparaya siya, haha. ewan. di ko gets π€¦ββοΈπ
ang sabi nila ung unang lumabas pero may iba rin nagsasabi ung huling lumabas kasi means na nasa pinaka loob sya, sya rin daw ung mas unang nabuo. hahahaha
Ang sabi yung pangalawa kasi nag paraya para sa kapatid .. kaso sa kaso ng asawa ko at sa bayaw ko asawa ko yung kuya kasi sya unang lumabas π