sa private companies po, may mga HR po na nagbibigay ng paunang benefit, so makukuha mo yun bago ka manganak, at yu g half, after manganak. kung magleleave po kayo bago manganak, di po sila magkakaltas nun kasi computed na yung matben mo based sa total na hinulog po ninyo. Talo ka lang po sa mat leave kungyun na agad gagamitin kahit fi ka pa nanganganak. better na yung leave credits mo na naipon (sick or vacation) ang gamitin mo kung magearly leave ka. para yung mat leave mo magstart magamit after mo manganak, para di bitin bakasyon mo with your newborn. Gets po ba? sa amin kasi sa govt, nagagamit namin yung leave credits na naipon po namin, kung early leave gagawin namin (7month pinagleleave na kami kung gusto namin) and fixed po yung bigayan ng sweldo (basic salary) after manganak, dun na rin start yung 105days c/o naman ng gsis yun
sa pagkaka alam ko po any leave taken before delivery hindi pwede kaltasan ng employer pwera po ung panghulog (employee contribution) sa sss, philhealth at pag ibig.. so kung magkeleave po kayo bago kayo manganak, ang dapat gamitin dun ay iyong leave credits niyo from the company para may sahod pa din kayo while on leave. kung wala na kayong leave credits sa company, without pay iyong leave niyo.. may isang mommy dito nagpost na pwede daw magapply ng sss sickness benefit kung need talaga magpahinga before delivery para may allowance pa din but better ask your HR po muna kasi nung sakin sinabi na hindi makakapag sss sickness benefit kung may maternity benefit...
sakin mi halimbawa yung sahod mo sa loob ng 105 days ay 100k tapos ang nakuha mo sa SSS ay 70k, bibigyan ka ng kompanya ng tira dun sa 100k(100k-70k). kaya may 30k pa na ibibigay yung company. Di ko lang alam kung pare-pareho ang comoutation ng mga kompanya pagdating sa maternity ben.differential.
hindi mi, kung ano ung nka declare sa sss website un ang makukuha mo depende un sa hulog mo. Sa employer mo wala ka lang seswelduhin na kung wala ka ng leave na magagamit sa mat leave mo.
Gets ko na po. Salamat mga mommies sa sagot!