Worried 😔.
Ask ko lang po mga momsh kaka 7 months lang po nya nun 26 pero parang yung weight at length nya di nag babago. Maliit pa rin po sya compare sa ibang baby. Since newborn formula milk po sya wala kse akong gatas kaya di sya na breastfeed. Ano po kaya ma advice nyo para tumaba si baby salamat po. #advicepls


Ano po bang weight ni baby? Kasi may range po ang height and weight ni baby depende sa edad. Minsan kahit hindi nag gain,as long as nasa normal range,okay lang yon. Base po sa picture ni baby na nakapost,mukhang maliit nga for 7 months pero syempre minsan iba yung nakikita sa pic compared sa personal. Now if you’re really worried mamsh,I suggest na mag consult kayo sa pedia nyo. I’m sure mas masasagot ni doc ang mga katanungan nyo and in case na kulang nga talaga sa weight e mabigyan kayo ng tamang supplement🙂
Magbasa pa