Para sa akin di totoo yung panganay ko babae pero ang pangit ko at maitim yung kilikili at leeg ko, ngayon sa 2nd baby namin mas maraming nakakapansin na blooming dw ako at gumaganda yung kutis ko kahit boy anak ko
Not true. Hehe. Ako super blooming nung nag buntis. As in walang manas kahit ilong. Haha di nangitim leeg at batok ko. Pero baby boy yung baby ko π mas okay pa din talaga ultrasound para sure yung gender π
Myth lang, sis. Kafanget ko my entire pregnancy. Nalosyang ako ng wagas π No exaggeration. 'Yung fanget na 'di mo inakala π€£ Kumulimlim ang lahat2 sa akin, sis π And yet baby girl ang anak ko.
Hindi po. Napaka arte ko nung nag bubuntis ako like make-up, fitted dress, braids pero boy po LO ko π₯° push lang yang blooming mo Momsh, it means happy and contented ka. Good din yan kay baby.
blooming din po ako nung buntis ang dami nagsabi na babae ang baby ko kaya namili ako ng unan na pink at medyas pang girl kasi naniwala po ako sa mga matatanda pero boy po ang lumabas βΊπ€£
ndi po ..dami din nag sabi sakin nyan na gurl daw baby ko dahil nga daw blooming ako..dahil sa madame sila nag assume na ako na gurl baby ko π π€£ pero lalaki po baby ko ππ
No no no. Lahat ng family members ko at ng asawa ko sinasabi na girl ang baby ko kasi ang fresh daw at di ako haggard. Ang result, yung asawa ko lang ang tumama na baby boy pala :)
Akala ko din girl yung sa akin kase wala naman umitim na any parts nang katawan ko at feeling ko lang blooming ako. Then pgka ultrasound, nakita agad ang lawit ni baby π
Not true po, yung first born ko babae pero ang pangit at haggard ng itsura ko tapos maitim sa second baby ko naman ay baby boy, pero blooming ako clear skin paπππ
mas naniniwala cguro ako sa paglilihi..pag mahilig mo maasim boy anak..pag sweets girl..ako kasi ngaun hindi man lng ako nagcrave sa mangga..puro sweets gusto ko