ISOXILAN TABLET
Hi! Ask ko lang po if pinapa'take din ba kayo nito if masakit puson nyo?
Isoxsuprine din gamot ko nitong 1st week ng feb 33 weeks pa lang ako nun.. Muntik na ma preterm labor kaya yan nireseta sakin pampakalma ng matres at sinabayan ko ng 1 week na bedrest.. Masakit kasi sa balakang at pempem hirap din lumakad...ngaun ok naman gumaan na pakiramdam ko di na ganun kahirap... going 36 weeks na kapit lang para umabot kahit 37 weeks...
Magbasa papinainom po ako ng OB ko nyan nung nakita sa result ng transv ko na may subchorionic hemorrhage ako then pinainom ulit for 2 weeks khit wala ng bleeding
Usually pinapainom yan kapag panay contract ng tyan mo lalo kung di mo pa kabwanan. Para lumambot yun tyan mo kasi delikado kapag panay contraction.
Hindi po ba nakakasama sa baby yan pag palaging umiinom? Kasi kada check up ko nireresetahan po ako niyan. Ngayon inom ako for 2 weeks na naman.
Buti nga ako sis hindi nag bibleeding pero yung feeling na parang may mahuhulog galing sa pempem ko tapos lagi naninigas tyan ko. Bedrest ako now pero di nasusunod gawa ng may 2 kids pa ako lalo toddler, si panganay hatid sundo ko pa sa school then akyat baba pa sa hagdanan dito sa bahay. Awa ng Panginoon ok naman ako laban lang!
Pangpakapit yn gnyn dn I inom ko nun.. Mampa relax dn yn NG muscle kpag nahilab..
Pampakapit pi yan.. ako halos whole.duration ng pagbubuntis ko uminom ako nyan ..
wala naman .. ok naman c baby 9yrs old n cia ngaun
Is it ok uminom niyan na walang laman ang tiyan? 6am-12nn 6pm-12mn ang inom ko
Yes no problem. Naka every 6hours din ako nyan. Nag aalarm talaga ako ng madaling araw para lang uminom ng meds na yan. Kasi kung namiss ko ung dose ko mag bbleed ako at sasakit na ang puson. May OB told me also it’s okay kahit empty stomach.
Yes sis, umiinum aq Nyan pag sumasakit puson ko O d Kaya naninigas
Pampatigil ng hilab. Nagtake ako nyan nung humihilab tyan ko
Pangpakapit yan sis kaya lng nakakabog daw ng dibdib
Dreaming of becoming a parent