anong gamot sa puwet ni baby (6 months)

ask ko lang po ano po kaya pwede igamot sa baby ko, it's been three days na po ng magkaroon po siya nito.. mukhang rashes. nde ko lang po madala sa pedia. bka po may pwedeng I home remedy

anong gamot sa puwet ni baby (6 months)
33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Parang ako po ang nasaktan sa sugat ni baby mo mamsh. bago maglagay ng kung ano, mas mabuting ipacheck up nyo muna, mukha nang malalim kasi yung sugat, kawawa si baby. ugalaiin na every 2-3hrs magpalit ng diaper, wag ibabad sa poop o ihi. wag din kung ano ano pinapahid kung meron man. iwasan na lang din ang wipes kung gumagamit, more on water at cotton lang, maglaan din ng airtime sa bumbum ni baby meaning oras na walang diaper, para makahinga lang.

Magbasa pa

omg. parang bedsore na yan ah. parang may nana na po. hindi po ba napapalitan ng nappy on time? baka po lagi soaked ang pwet sa diaper. masakit po yan para kay baby. i dunno kung kaya pa ng calmoseptein yan since may open wound na po. i think need na antibiotic ointment for that like bactroban. dalin nyo na po sa pedia kase di po kayo mapagbibilhan ng bactroban over the counter. need nyo reseta. kawawa po pwet ni baby. 😞

Magbasa pa

calmoseptine po ,lagyan nyo sya ... malala pa jan nangyri sa baby ko mie , calmoseptine lang at polbo ginamot ko , tpos maligamgam na tubig at bulak , dhan dahan lang pag dampi pag nililinis mo sya , mahapdi kasi yan ... sa baby ko 1week mahigit sobrang awang awa ako nun ,tpos after mo syang malinisan tuyuin nyo muna ng malinis na tela ,ska nyo pahidan ng calmoseptine at polbo mbilis mkatuyu ng rashes

Magbasa pa

naku po baka sa pagpunas nyo din ng anal area yan. baka sobra po kuskos. minsan po mas maganda kamay nyo na lang panlinis with water po na maligamgam kesa sa baby wipes. sakit po yan. try nyo po calmoseptein meron po yun naka sachet.

Kung wala po kayong pang pedia baka meron naman po kayong emergency sa hospital pwedi pacheck upan ng bata jusko kwawa naman d sila nkakapagsalita panay iiyak lang yan maging responsible nmn po sana kau d biro yung ganyan sa baby

mommy, inflamed na ang pwet ni baby. mukhang may infection, hindi na simpleng rash. consult na ang pedia for proper medication/antibac ointment. wag gumamit ng wipes to wash. use warm water and cotton when washing after poop.

Magbasa pa

ay mii bat ang lala naman niyan tingnan. ipa pedia mo sya mi kasi tingin ko parang na grabe na masakit na para kay baby yan. pero if gusto mo . bioderm cream kasi malamig at nakaka dry din sya

pag di nyo pa po yan dinala sa pedia mas mahal ang mairresita sa inyo pag lumalala yan.. or gustuhin pa ni baby na wag umihe or dumumi kasi mskt yan... mhirap pag nagka UTI yan..

pa help din po nagpunta na ko ng pedia at naglalag ay na din ng gamot kaso ano po kaya ito? parang kakaiba na. eery time namn po may tae at ihi sya pinapalitan ko agad

Parang nagdudugo na po kawawa naman si bb. Pacheck up po kayo please. Kahit sa brgy health center kung hindi talaga kaya sa private pedia. Wag na po antayin lumala pa.