106 Replies
BAKIT BA BAWAL PAINUMIN NG TUBIG ANG SANGGOL 0-6M? Marami po sa atin, ang nagtatanong kung ligtas ba, at kailan ba pwedeng painumin si baby ng tubig. Lalo na ngayong tag init. Ngayong gabi ay bibigyan po natin ng linaw ang paksang ito. Ayon po sa World Health Organization at Department of Health, hindi maaring bigyan ng tubig ang mga sanggol na ANIM NA BUWAN PABABA. Napakadelikado po ng pagpapainom ng tubig sa mga sanggol na wala pang anim na buwan dahil ito ay nagiging dahilan ng WATER INTOXICATION OR POISONING. Ano ba ang Water Intoxication? Ito ay kondisyon kung saan ang sodium levels sa dugo ay bumababa dahil hindi pa kayang balansehin ng katawan ni baby ang tubig (Hyponatremia*). Ang mga sintomas at epekto nito ay: - Pagsusuka - Pagiging iritable - Pagkahilo - Sobrang ihi (6-8 basang diapers) - Pamamawis - Hypothermia o pagbaba ng temperatura ng katawan. - Epileptic Seizures - Pagkamatay Ito ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinaaalala satin sa mga ospital at ng mga ahensyang pangkalusugan na bawal po ang tubig sa mga sanggol na anim na buwan pababa. Napakarami sa atin, na nadadala sa sinasabi ng matatanda na kailangan painumin ng tubig ang mga sanggol lalo na daw kung may sakit o kapag mainit. MALI PO ITO. Kung ikaw ay nagpapasuso, ang breastmilk ay 88% water. Kaya hindi na kailangan ng karagdagang tubig ni baby. Sa panahon ng tag init, ang gatas natin ay nagbabago ayon sa panahon at pangangailangan ni baby. Mas nagiging malabnaw ang gatas natin upang maiwasan ang dehydration. Sa mga nakaformula naman, hindi rin kailangan ng karagdagang tubig dahil ang bawat scoop ay may katumbas na tamang sukat ng tubig. Mga inay, huwag po tayong matempt na magbigay ng tubig. Wag po nating isugal ang kalusugan ni baby dahil lang sa utos ng mga taong nakapaligid sa atin. HUWAG po tayong magmadali na painumin sila ng tubig dahil buong buhay po nila, iinom naman sila ng tubig. Mainam na maghintay po tayo. Ingatan po natin ang ating kalusugan lalo na ng ating supling. Salamat po at mabuhay kayo mga inays!... PLS read. The American Academy of Pediatrics, the World Health Organization, and numerous other credible organizations strongly recommend only breastmilk for at least the first six months. The World Health Organization specifically mentions "Not even water" may be given to infants. Formula is only an acceptable alternative to breastmilk when breastfeeding is actually impossible. http://www.who.int/features/qa/breastfeeding/en/ http://www.who.int/nutrition/topics/infantfeeding_recommendation/en/ http://www.who.int/features/qa/21/en/ http://www.babycenter.com/404_when-can-babies-drink-water_1… http://www.britishbottledwater.org/children-and-babies.asp facts about hyponatremia http://parentingpatch.com/preventing-hyponatremia-or-water-intoxication-never-give-a-baby-extra-water/ Hyponatremia caused by excessive intake of water as a form of child abuse - https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4027093/ #Spreadeverylearning #WHO
Pedia ng baby ko allowed niya na uminom si baby ince na nag turn ng 1months basta walang one oz ang maiinom niya limit lang ba KUNG formula siya. Pero kug breastfeed no need. Kasi baka si baby mabusog sa water yun which is iniiwasan ng lahat kaya ganong 6months and uo pa sila inaallow na uminom since malalaman na nila yung different from water to milk.
ako nga sis until now nagtataka bakit yung pedia ng first baby ko, first check up nya 8 days palang sya sinabihan ako na painumin ko daw ng water.. alternate it daw with the formula wala akong kaalam alam sa ganon na hndi pala dapat pa ewan ko san natutunan ng pedia yon. Kung buhay pa sana baby ko pwede ko kaya sya idemanda
Hala. Sorry to hear that po. Lokong doktor yun. Pwede mo talagang idemanda
Wag po muna mommy, sabi ng pedia ng baby ko iniiwasan kasi ma occupy ng tubig yung tiyan ng baby kasi maliit pa bituka nila, baka di nya makuha tamang nutrition from milk na kailangan ni baby. Explain mo nalng po sa kanila kasi si baby mag sasuffer
Mommy may water intoxication na tinatawag sa baby pag pinainum sila ng tubig na wala pang 6months. Ieducate niyo sila. Wag kayong mapressure sakanila kase pag may nangyari kay baby wala naman silang magagawa. Baby niyo po yan kayo dapat ang masusunod.
Yung akin kasi momshieee pinainum ko 2mos palang po kasi yung pedia ng baby ko need daw ng water ni baby kasi nadede hydrate din daw ang baby wag daw puro gatas. Pinacheck up ko kasi si baby kasi 3days ng hindi nagpopo
Wag ka po masyadong magpapadikta kahit ano po sabihin nila. Kasi ikaw po nanay at mas may nakaka Alam Kung ano makakabuti sa baby mo po. Pwedeng humingi Ng payo pero na sa iyo Ang decision para sa baby mo.
6mos bago pwede, possible ksi na maglead to water intoxication kpag pinainom mo si baby nang water. At maliit lang stomach nila tpos bbgyan mo nang water na wala naman nutrients kaya hndi din ok.
no water until 6mos. makakasama kay baby. your baby, your rules mamshie. bahala na magalit sila. you know what's best for your baby. ikaw din mahihirapan pag may nangyari kay baby, hindi sila.
Hindi po. In-advice kami nun ng midwife na painumin si baby ng tubig kasi sinok ng sinok pero di namin pinainom base na rin sa mga nabasa ko na dapat 6 months pwede.
Farhanie Ali Macondara Banisil