Magkano po ba talaga pacheckup

Ask ko lang magkano po ba talaga magpacheckup? 8weeks preggy palang ako pero yung nireseta sakin Folic Acid 30pcs lang pero siningil ako 1k ng Ob. Ayan po sa picture yung Folic acid at ultrasound ko. Sabi ng byenan ko baka kala mayaman ako kaya siningil ako ng ganun kalaki kasi ang mahal daw masyado ng siningil sakin.

Magkano po ba talaga pacheckup
181 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi naman kasi check up lang binayaran mo.. Ung procedure na ginawa nila. Mura na nga sia king tutuusin. Consultation fee, vits at ultrasound.

As far as I know, 350 lang ang check up. Baka mahal ang ultrasound. If transvaginal ultrasound, mahal tlga. Kaya siguro umabot ng 1k ang bill mo

Ako 1600 unang check-up, my kasama lang na pap smear walang kasamang meds, tpos ung nireseta is 17 pesos each for 30 days so mura na yan momshie

murang mura po yan sa unang check up q nga umabot ng 3k plus ung binayaran q.. ksama ultrasound, folic na 30pcs lang din, tska fee sa check up.

mura na po iyan, ang check up ko ay 1200, ang transv ultrasound ay 3700 :) may mas mura pong ospital or municipal clinic. hanap lng po kau.

ang mahal naman ng singil sayo 4 pesos lang isa nyan libre sa mga center yan dito samen 300 lang check up makikita mo pa baby mo sa tyan

ultra sound 600 to 700. ung gamot mo nasa 7 to 8pesos cguro yan. tapos doctors fee nsa 300-400.. sakto lang po kung nasa 1k siningil 🙂

kong trans V po na ultrasound(yung may pinapasok sa vagina natin) medyu mahal po yun nasa mga 950 po...plus consultation pa po sa OB....

VIP Member

ako naman 250 lang ung check up consultation kasama na din ultrasound tapos 12pesos lang ung folic acid sa abas ko na binili.

Sakto lang ang 1k kasi may ultrasound kana. 650 and up kaya ang ultrasound. Tas checkup nsa 350. Buti ka nga with gamot ka pa eh.