Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mommy of 1 rambunctious son
WAX
Pwede ba magwax ang buntis ng pubic hair or buhok sa Kili kili?
Hirap huminga
Anong dapat gawin kapag nahihirapang huminga? 9weeks palang akong preggy. parang nagpapalpitate yung heart ko parang may nakadagan at mabilis tibok ng puso ko. Kilos lang ng konti ganun yung nangyayari.
nakakasama po ba?
Di naman po nakakasama makalanghap po ng usok ng Vape po ang buntis diba? kasi madalas yung bayaw ko nagvivape e minsan yung bahay kala mo nasusunog kasi kapal ng usok pero di naman masakit sa ilong at mabango naman sya. Sa mga sigarilyo lang naman yung nakakasama po sa kalusugan po diba?
Normal lang ba?
Normal lang bang walang ganang kumain. Naglilihi ako pero tikim lang ako pero di ko inuubos. kahit sa 3x a day na pagkain sobrang konti ko lang kumain or minsan 2x a day lang kasi wala talaga akong gana at feeling ko anytime nasusuka ako. Matakaw naman akong kumain noon pero nitong nagbuntis lang ako di ako matakaw. Pagkumakain ako at pinipilit kong ubusin ayaw tanggapin ng sikmura ko di ko malunok. Ano po dapat kong gawin Iniisip ko si Baby baka walang makuhang sustansya sakin pero nagtitake ako ng Vitamins at Inom lagi ng tubig at nagpuprutas po ako.
Magkano po ba talaga pacheckup
Ask ko lang magkano po ba talaga magpacheckup? 8weeks preggy palang ako pero yung nireseta sakin Folic Acid 30pcs lang pero siningil ako 1k ng Ob. Ayan po sa picture yung Folic acid at ultrasound ko. Sabi ng byenan ko baka kala mayaman ako kaya siningil ako ng ganun kalaki kasi ang mahal daw masyado ng siningil sakin.
Malamig o Mainit
sa pagtimpla ng Maternal Milk Anmum ano po mas maganda Mainit o malamig na tubig?
Name
Hingi po sana ako ng Idea kung ano pwedeng ipangalan sa Baby ko. boy or girl. Gusto ko yung pinaghalo ng name namin ng partner ko tulad ko po. John and Vilma name ng parents ko John-na-vil Johnnavil Mae (ANG NAME KO) John sa father ko at VIL MAe sa mother ko yung NA daw AND (at) daw yun. MICHAEL RYAN po name ng partner ko. Penge pong Idea sa name ni Baby gusto ko din po Unique name nya hehehe
Gender ni baby
Ilang months pwede ng makita gender ni Baby sa ultrasound?
7weeks palang akong buntis
Ako lang ba nakakaranas na sumasakit yung left side ng puson ko madalas kasi e. Ano po yun naiipitan lang ba ako ng ugat?
Safe po ba?
Safe bang gamitin ng buntis yung Seoul White Korea Soap at Avenine Lotion na nabibili sa Watson? TIA.