#3Monthspreggy

Ask ko lang kung normal ba itong nangyayari sakin na sobrang payat ko at madalas wala akong gana kumain ng kanin? May time pa na isinusuka ko yung kinakain ko. I'm 3 months pregnant na po. Tyaka kailan po ba nagg-gain ng weight ang buntis? Salamat sa sasagot.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang po. 10 weeks preggy here and same sayo. Madalas wala akong gana kumain ng kanin. Like hirap ako kumain pag kanin. Ang pili ko pa sa ulam. Tapos kakain, ending susuka. Lagi pang nangangasim ang tiyan ko. Medyo namamayat din ako right now. Pag nagpacheck up ka po sa susunod sabihin mo po sa OB mo na hirap ka kumain baka bigyan ka ng vitamins pampagana. Kasi sa next check up ko yan din ang icoconcern ko. Pero yung pagsusuka, sabi ng OB ko normal lang and ganun daw talaga pag tumataas ang hormones. Pede umabot ng up to 16-20 weeks pa yung ganitong morning sickness. Wag lang talaga yung hindi na makakain ng kahit ano or kahit tubig susukahin. Don medyo need na bigyan ng pansin and magpacheck up urgently.

Magbasa pa

same tayo mommy 2 months preggy ako grabe yung suffer ko sa morning sickness feeling ko talagang papayat ako wala kong gana kumain palagi hinang hina katawan ko tapos pag diko na kaya kakain ako konti natatanggap naman ng tyan ko pero may times talaga na nagsusuka ko nangngasim din tyan ko halos diko na alam gagawin ko sa umaga madalas wala kong energy di na nga ko makaligo ng umaga minsan maligo ako mga 3 days muna tapos pinaka malala pa neto wala kong maayos na pahinga palagi hanggang 5am gising ako sa umaga hirap ako makatulog putol putol pahinga ko wala akong natulog na mahigit 8 hrs tas wala pakong kain madalas kaya bagsak talaga katawan hayss

Magbasa pa
3y ago

same po tayo 2 months di ako makatulog suka ng suka

Ako din po. 22 weeks na ako, 2 kilos pa lang na-add sa timbang ko. Nung first tri, ok lang po kay OB na walang na-gain, kasi nga di mawawala yung morning sickness. It will get better naman during 2nd trimester. Ung 2 kilos na na-gain ko, parang simula nung 19-20 weeks na ako. Depende din po siguro, chinecheck din naman sa UTZ ang estimated weight (at laki nya in general) ni baby, so kung more or less OK sa gestational age nya, hindi nababahala ang OB. If in doubt, i-mention nyo sa doctor ninyo sa next check-up.

Magbasa pa
VIP Member

Mag gagain ka ng weight habang lumalaki ang tyan sis, pilitin mo nalang kumain para makuha mo at ni baby yung nutrition na need niyong dalwa. Kahit di mo damihan, okay na yung paunti unti pero madalas.. Try mo mga di heavy gaano, mdaling idigest ng tyan. Masabaw at malambot. Ingats

TapFluencer

Same here po, 11wks pregnant pero yun weight ko po bumababa pa kahit kain naman ako ng kain. And ayun nga may times din na sinusuka ko yun kinain ko. Tapos nangangasim din tyan ko at feeling ko lagi akong pagod.. Buti na lang din malakas ako sa water kaya hindi ako ma dehydrate ..

same here! 3 months nakong preggy wala padin halos nang yayare sa timbang ko, ung mga kinakain ko naisusuka ko din after kumain lalo na pag manok at baboy ulam😣 bahong baho ako sa mga karne. kaya more on gulay and fish nalang ako para maraming makuhang nutrients c baby..

Ako din pumapayat. Ilang kilo na ung nawala sakin dahil sa selan sa food. Pero hinde naman worried OB ko kasi ok naman size ni baby sa loob. Basta importante inumin mo lahat ng vitamins na reseta sayo. Inom ka maternal milk additional nutritional support din.

VIP Member

normal naman kaya lang hndi maganda ang epekto kay baby kung lagi ka po nagsusuka baka ma dehydrate naman kayo at wala na sya sapat na nutrition for his/her development, better consult with your ob para maresetahan ng pampaprevent ng vomiting

VIP Member

ganyan din ako buong 1st trimester ko. umabot ng 41kg timbang ko lahat kasi ng kinakain ko sinusuka ko tapos palaging walang gana. 7 months na tiyan ko nung medyo nakabawi bawi na ko ng kain

Akodin sis first tri ko sobra akong namayat kasi lagi akong walang gana kumain dahil nga sa naglilihi ako pero sa second tri medj okay naman na base lang sa expi ko ha