Enlighten me mga mommies

Ask ko lang kasi sa 5mos kong di alam na buntis ako puro ako inom, lahat ata ng bawal nagawa kona. Then 6mos nako ngayon, mat side effect ba sa baby ko huhu nasstress ako kapag naiisip ko#pregnancy #1stimemom #firstbaby #advicepls

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

may kilala akong ganyan since chubby tlga sya.. manginginom nagyoyosi.. gang sa umabot nlng sa bigla syang sinakitan ng tyan nangingitim na sya pagdating sa hospital emergency cs sya.. di nya alam na buntis pala sya btw ftm din sana sya.. kaya lang paglabas ni baby patay na kasi overdue at nalason na sa loob ng tummy nya dahil nakapoop na rin si baby.. irregular mens din sya.. kaya possible tlga ung nga ganyan na di alam na preggy na pala.. since alam mo ng preggy ka iwasan mo na ung mga bawal at bawiin mo sa vitamins at milk.. at syempre pray po na ok sya.

Magbasa pa
4y ago

btw sabi rin pala ng doctor nun di nya tlga maramdaman si baby nya kasi sobrang kapal ng taba nya sa tyan.. natatabunan si baby kaya di nya maramdaman ung galaw..

Sa panganay ko 4 months na sya di ko alam na buntis ako kasi no signs talaga and sanay ako na irreg ang menstruation ko so inadvice ako ng OB ko na magpa-TVS baka daw may PCOS ako and yun hindi bukol ang nakita kundi baby ๐Ÿ˜Š Sa 4 months na yun puro bisyo din ako and kain ng mga unhealthy foods kaya nung nalaman ko agad na buntis ako talagang bumawi ako inom vitamins at kain ng heaalthy foods. Bawi ka na lang mommy iwasan na yung mga bawal at makaksama kay baby and pray ka lang palagi na okay si baby โค๏ธ

Magbasa pa

Sana okay si baby. May kilala din akong ganyan. Panay party. Puyat dito party diyaan. Kung saan saan nagiinom at nagyoyosi. 4 months na nung malaman niyang buntis siya. Bale super ingat na niya nung nalaman niyang buntis siya. Nagquit siya agad sa nga bisyo niya. Naging healthy naman ang baby. I hope okay din ang baby mo. Magparegular check up ka agad sa OB mo. Please be honest with your OB kahit pagalitan ka na makinig ka na lang. Your OB will help you. Please do what's best for the baby from now on.

Magbasa pa

Relate po ako! 18 weeks & 5 days ko na nalaman na buntis ako. May pcos ako kaya akala ko irregular menstruation lang. Nakainom ako ng gamot nun dhil nagksipon at ubo ako kaya ang ginawa ko bumawi ako sa vitamins at maternal milk. mula malaman ko n buntis ako hnggang manganak uminom talaga ako ng anmum 2x a day. Healthy naman si baby.. 14 months na.๐Ÿ˜Š Basta pacheck up ka momshie. Bawi ka kay baby.

Magbasa pa

hindi naman impossible yun. meron talagang ganung cases lalo na pag sobrang irregular ang mens. then pag first time mom hindi alam kung galaw ba ng baby yung nararamdaman nila. Meron din kc mga babae na hindi maselan magbuntis at hindi naglilihi. wag sana judgmental. pacheck up na agad sa ob. mag pa congenital anomaly scan ka. inom vitamins and kain healthy foods. wag pa stress. alagaan si baby

Magbasa pa

5 mos mong hindi alam? Ni hindi ka nag PT sa 5mos na yun? ๐Ÿคฆ Even if you have Pcos or irregular mens. dapat nagtaka ka parin lalo na if active ang sex mo. Jusko. Magpatingin ka, may chance na malaki ang epekto nyan sa bata, kasi inabot ka ng second trimester na nagpapabaya ka, second trimester na dedevelop ang bata. ๐Ÿคฆ Sana naman walang masama effect sa bata, mga pinag gagawa mo.

Magbasa pa
4y ago

ako po may PCOS and 6 yrs bago nagka-baby. before po nun once or twice a year lang ako magkamenstruation. di ko na pinapansin gaano katagal interval sa sobra busy at stressed sa work. napagod na rin ako mg PT kasi ayaw ko na madissapoint. 11 weeks na pregnant ako nung napansin ko ayaw ko ng amoy ng fave ko gisang bawang kaya nag PT ako. swerte ako wala kong morning sickness. kung di ako observant di ko marerealize na buntis ako. lalo na at mataba pa ko. buti puyat lang bisyo ko kaya di ako masyado worried. anything is possible talaga.

relate ako 4months ko na nalaman na buntis pala ako kasi meron akong acidity so akala ko normal lang na minsan nasusuka ako at irregular din sa menstruation kaya hindi ko naisip na buntis ako nakapag inom inom ako alak tapos yosi pa at masama pa eh nagkaron ako ng sipon at lagnat noon kaya nakainom din ako ng mga gamot kaya nakakaloka talaga nung nalaman ko na buntis ako.

Magbasa pa

Napaka imposible naman atang hindi ka nagtaka ? Kahit sinong babae siguro lalo na kung may nakakatalik pag hindi dinatnan magtataka na diba ? Magpa Congenital Anomaly Scan ka, kasi una palang sa pinagbabawal kapag buntis ee yung pag inom ng alak at ano pa man. Magpa check up ka na din sa OB kasi yun lang yung best way sis ๐Ÿ‘

Magbasa pa
4y ago

possible

hello momshies, 33weeks napo ako now. pero sabi naman ng doctor ko is okay ang baby, and ang kinakatakot ko talaga is maging bingot siya dahil sa sobrang paginom at nakainom din ako ng mga gamot. pero kahapon, based on the ultra sound is okay yung lips and nose niya. kaya thanks for all your prayers

grabe dami na agad nanjudge, first time kopo kasi then wala po ako nararamdam na kahit ano matakaw din po ako kaya normal lang na mag crave ako sa mga pagkain na nakikita ko sa fb matagal napo akong ganon. kasi iba kong friend din na dedelay yung mens nila 5-7mos hayyyy!

4y ago

ganyan din ako dati puro ko bisyo, puyat at walang pake sa kinakain. diko alam buntis pala ko. paconsult ka nalang agad sa ob, para mabigyan ka mga vitamins. ๐Ÿ˜Š