CS vs. normal delivery
Ask ko lang, bakit may mga mommy na ayaw ng CS? mas mahirap ba ang CS compare sa normal? kase for me parang mas okay ang CS kase di ka na maglelabor pa. #CsDelivery #CSMom #firsttimemom

Kung ang pagbabasehan ay "pain" sa panganganak pareho makakaranas ng sakit dyan.. Sa labor kung normal delivery napakasakit nyan talaga pero after manganak mas madali recovery.. Sa CS naman napakasakit mainject ng anesthesia sa likod naka C-shape pa sa surgical bed para maitusok yung needle sa spinal na napakahaba.. After manganak via CS andami pa pagdadaanan para makagalaw ng matino napakahaba ng recovery kelangan alagaan din ang tahi... Btw CS mom of 2 here at nakaranas din ng labor sa first baby na di bumaba kaya na emergency CS.. Kung kaya inormal mas Ok yun.. 2nd choice lang naman ang CS kung kinakailangan para maging safe both mommy and baby.. At totoo napakamahal ng CS.. Pray lang palagiš
Magbasa pa