Bakit buwan buwan may handa bago mag 1 year old ang baby?
Hi ask ko lang, anu po b ibg sabhn bakit ganun naisip ko pang bgla. Anu po ba kasabhan bakit monthly may celebration.
Wala naman po dahil lang sa tuwa at pasasalamat narin dahil binigay si baby. yung iba naghahanda, parang birthday talaga, iba naman simple lang. pictures lang ang iba naman may handa kahit hindi ipost ok lang macelebrate lang ng konti.. di naman totally kailangan or mandatory yan po lalo na yung may pictorial pa. Sa baby ko naghahanda lang kami ng konti at pic kay baby every month pero di ko naman pinopost hahahaha di man ako masoc med. nag pictorial lang si baby sa studio para sa 1st bday nya. Pero kung gusto nyo gawin mas ok, kung ayaw nyo naman na gawin ok lang din ☺
Magbasa paWala naman po mii. Ako simula sa first born ko kahit hindi pa uso noon yang mga ganyan (2003) we celebrated each month nila (taking pictures at may cake lang) hanggang sa bunso ko (2021). Nasa photography business kasi kami kaya nasanay kami ever since sa pictures. Pwede rin namang wala, depende po sa inyo yan. Kahit walang handa, pictures will do. Para na rin sa monthly milestones po ni baby☺️.
Magbasa pawala nman. pakana lang yan ng mga kamaganak at kapitbahay n gustong makalibre ng pagkain. haha but honestly, khit 1 yo bday ng bata, hindi nya yan maaalala at maeenjoy kaya i think it's a waste of money kasi ibang tao lang ang natutuwa. mgandang magbday party pag may malay n si baby at kaya ng makipaglaro sa iba.
Magbasa paHello. For Monthly Milestones po. Nauuso lang po yan, nag originate sa ibang bansa, hindi po mandatory at wala ring kasabihan. Yung iba pictures lang yung iba celebration, depende po sainyo kung gagawin niyo or hindi.
Sa baby ko hindi ako nag handa everymonth kasi pinaghandaan ko nalang ang first birthday niya. Picture lang every month para may babalikan ako pag lumaki na baby ko.
Wala naman po kasabihan. Gusto lang po icelebrate ng mga parents. Pwede naman po kahit walang handa. Pictures lang ok na. :)
Mama of 1 curious magician