#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa pagbubuntis! I-POST NA ANG MGA TANONG NINYO DITO! Dito din po magre-reply si Dok sa mga tanong ninyo. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok. - Mga katanungan sa pagbubuntis at reproductive health po ang sasagutin ng ating OB. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong (edad, ilang weeks na ang ipinagbubuntis, due date, etc) - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE chat now with OB-GYN, Dr. Canlas!
388 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi po Doc, 36 yrs old po ako, pregnant for my 2nd baby, 12 wks 6days po pregnant. mgtatanong lng po sna ako kc po 2 days n po ako dnudugo un lumalabas po is prang mens po kdami, wla naman po ako iba nraramdaman kundi msaket lng po puson ko. Wla n po kc clinic un ob ko kya hndi po ako nkapg pcheck up, monday p po resume nla. Sna po mtulungan nyo po ako. Salamat po.

Magbasa pa
VIP Member

26 yrs old po ako. 23 weeks pregnant and due date ko po ay Aug 4, 2020. Nung 21 weeks pa lang po ako ay nagkameron ako ng chicken pox. Okay na po sya ngayon mga peklat na lang po, may pwede po ba panlahid sa balat na safe sa buntis para mawala agad ang peklat? Wala din po ba masamang epekto sa baby ang pagkakaroon ko ng bulutong? Thank you so much po, Doc.

Magbasa pa
6y ago

Same Tayo Sis.. 12 weeks ako nun nag ka bulutong ako now on my 15 weeks..

Edd may 3 37weeks and 5days 17yrs old Ask kolang po doc nung sunday po kasi ie pi ako 2-3cm daw po and hindi po ako masyading nakakaramdam ng contraction. Normal lang poba yon? Baka po kasi ma.stock ako sa 2cm at ma cs. And nitong araw lang po pag gising ko pakiramdam kopo basa yung pempem ko pag tingin ko po may white na buo parang sipon po pero konti lang . Ty po

Magbasa pa
6y ago

Hello po maam, yes po normal lang po nasa latent phase pa po kayo ng labor, wait nyo lang po ito: signs po ng active labor: regular na paninigas ng tyan, lasting for 30-70 seconds, hindi po nawawala kahit magpahinga,/ mahiga, nagraradiate sa likod at harap ng tyan, pwedeng may vaginal bleeding or watery discharge po. need po pumunta sa hospital pag in active labor po. Monitor the fetal movement: 10 kicks in 2 hours, watch out po if nag titigas tigas ang tyan nyo po maam or with any danger signs: padurugo/ vaginal bleeding, mataas na BP, masakit na tyan, matjnding pagsusuka, pagtatae, masakit na pag ihi, lagnat, walang galaw si baby —signs na need po mag consult sa hospital:) Ingat po and Pray!

Hi Doc, 29 yrs old, 12 weeks pregnant po. Di po makapag pacheck kay OB dahil sa lock down and fear na din sa covid 19. Ask ko lang po kung ok lang po ba ako magpractice ng pre natal yoga or wait ko na po yung 2nd tri? tsaka wala rin po akong mabiling vits dahil out of stock, ok lang po ba uminom na lang muna ng gatas? Thank you po.

Magbasa pa

Hello po. Currently 36 weeks pregnant. Based po sa last check up ko low normal amniotic fluid po ang findings. Pero as per my ob po no need to worry po and ang advice po is to drink more than 2 ltrs of water. Nagagawa ko naman po and no fluid leaking din po. Need ko po ba mag pacheck up? Sarado pa rin po kasi ang clinic ni doc. Thanks po

Magbasa pa

Good afternoon doc . 28 yrs. Old, 14 weeks and 5 days pregnant . Due date October 04,2020. First pregnancy. ask ko lang po doc kung safe po ba icontinue gumamit nitong mga beauty products. Im suffering red marks sa face at medyo makati. Ito po kasing mga product na ito ang hiyang ako nung di pa ako buntis. safe po ba ito sa para sa baby ko? Thank you doc.

Magbasa pa
Post reply image
6y ago

Hello po maam, kindly check the label po of all the products that you are using, if may RETINOIC acid po , hindi po pwede maam. You can try using baby products (baby liquid soap) as facial wash po para mild lang po :)

Good afternoon Doc, ask ko lang po possible po ba magkaron ng nana ung tahi ko from cs last March 17,2020 since ndi pa po nacut until now ung buhol na plastic na sinulid due to lockdown. Pero ung sa baba part po na mga sinulid wala na po. And may infection po Kaya sa loob un dahil sa sinulid na ndi pa nacut. Mag 1month na po kc nextwk. Thank you Doc.

Magbasa pa

Thanks God. Thank you doc. Doc kakacs lang po sa akin nung march 5, may ngyari po sa amin ng mister ko kanina madaling araw, slowly naman po. Pure breastfeed po ako since march 9 kaso tru electric pump po.. Safe po ba ako kagabi. O magpills na po ako ngayon. Hindi po kasi ako makapunta sa ob kasi lockdown na po dto sa amin.. Salamat doc. Godbless po.

Magbasa pa

Hi dok question lng po normal lang po ba yung narramdaman ko madalas na parang pagsipa sa left side ng tyan ko lalo na po pag nakahiga ako im 21 yrs old 25 weeks and 3 days pregnant last menstruation ko po nung oct 15 something ganon po nalimutan ko po kasi pero tanda ko po october last month of menstruation ko po. Thankyou po

Magbasa pa

64. Hi Doc. 1st pregnancy ko po ito. I'm 25 years old and currently at 15weeks 3days, due date on September 28. My question is: is it safe or advisable na magpa-flu shot ako once the lockdown is lifted? We planned to have it before kaya lang nagka-issue na ng Covid-19 and we weren't able to ask our OB since di muna sya nagcclinic. Thank you po! ♥️

Magbasa pa
6y ago

Hello po maam, yes if may way po to receive the recommended immunization for pregnancy better po :) Pray tayo na matapos na po ito. Ingat po :)