#AskDok session with a Pediatrician
Ngayong darating na March 30, Monday (7-9PM), sasagutin ni DR. GELLINA MAALA, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Abangan sa ANNOUNCEMENTS topic ang official post kung saan sasagot si Dok. May naiisip na ba kayo na mga tanong para sa kaniya? TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito kaya't huwag kalimutang mag tune in sa scheduled date and time.
Dok ano po pwede gawin kong di po ma immunize si baby? Instruction sakin pag nag 45days na si baby pa immunize ko na kaya lang dahil sa covid wlang open na mga clinic pti health center wlang immunization for 6mos.,ok lng kaya kong vitamins nlng muna sya? Ano po kayang ma recommend nyo na vitamins? 1month and 5 days na sya today.
Magbasa pahi Doc, pwede bang ipagpaliban muna ang Bakuna ni baby? mag 1 month and a half na po xa sa April 01. sabi kasi sa Health Center dito sa Barangay namin, april 15 pa daw schedule. so malilate xa ng 2 weeks if ever. xaka mag 2months na xa sa April 17, paano po yun maghahabol ulit ng 2nd Bakuna pgkaLate nabakunahan po?
Magbasa paSame tayo ng concern sis. Sana masagot ni doc. Pang 2nd bakuna na din ng lo ko. Kaka 2 months nya lang kahapon.
Dok, 4months na po ako delay, and nung 3 months na po ako saka ako nag PT hindi ko po alam kong ilang bwan na po tyan ko. Hindi pa po ako nakapagpacheck up kc my covid.. nag aalala po ako kc wala po ako vitamins na naiinom. gulay at prutas lang po. Ano pong mapapayo nyo po sa akin? Thanks po dok. ๐ฅฐ Keep Safe po.
Magbasa paJusko. PEDIA siya hindi OB. hindi siya doctor ng mga buntis. Pagbigyan nyo yung mga nanay na may gustong itanong tungkol sa mga anak nila ๐
Hi Dra. May tanong po ako sa vitamins ni baby. Ferlin drops at propan tlc drops po kase ang gamit niya ngayon. Sabi po ng pedia niya last check up niya, aalisin na daw po after 2 months yung ferlin. Ano pong pwede ipalit? Di po kame makabalik kase mahirap po ilabas si baby dahil sa covid-19 ngayon ๐
Magbasa paHi po doc ask ko lang po normal lang po ba na hindi naglilihi..minsan lng po ako ngsusuka pag nkakain ako ng matatamis or matabang n pagkain..ska pansin ko lng po lagi po akong gutum..sign po ba ito na boy.. mhilig din po ako sa medyo maalat.. 8weeks pregnant na po ako..salamat po sasgot #askdok
Hi dra. ano po kaya ito? Hindi po mapacheck up ngayon.. Saturday po ng hapon sya nagsimula, medyo light spots lang. eto na sya ngayon.. no fever before masigla naman pero highest temp nya kanina 37.9 as of now po up to 37. 5 na lang.. Meron na din po yung hanggang singit nya.. salamat po..
Hello po dra 5 weeks and 5days na po ako. Kung magpatransvaginal ultrasound po ba ko ng 7weeks na ako visible na po kaya ang heartbeat ni baby? And normal po ba na magising ako in the middle of the night na masakit ang vaginal area ko po mula sa puson. Kumikirot po kase. Thank you po!
Hi po doc. Nagpositive po kasi si baby sa G6PD sa new born screening nia. Posible po ba magnegative sya sa confirmatory testing? At anu po mga bawal kung sakali. At tska po bakit po kaya during at after nia dumede parang di po sya mapakali. Formula feed po sya. Salamat po.
Hi dok preemie po c baby 34 weeker.birthweight po nya is 1.1 kilo mag 11 months na po sya sa april 9. Ang kilo po nya ngayon ay 5 kilos lng...di nman po sya sakitin. Ask po sana ako dok ano po maganda vitamins para kay baby..?? Nag heraclene na po sya wala po bisa sa kanya..
Hello po Doc! Normal po ba ang color ng wiwi ng baby girl ko? 3 months and 17 days na po siya and breastfeeding po kami. Madalas naman po ang latch niya sa akin. Please advise po, thank you! P.S Meron din pong parang red spot nung pinalitan ko po diaper nya mga 5:45 today.
Excited to become a mum