Iyakin 1 month old

Anyone here na may iyaking 1 month old baby? Lahat na ginawa namin, padede, change diapers, no kabag or relief sa kabag, dinapa na namin sa dibdib, duyan, palit ng damit, bigkis, hele, insenso, patuogtog ng lullaby, pikpik, kakantahan. Mapapatulog sya pero pag binaba na namin, iiyak na agad in 5 seconds kaya laging hawak. Wala na syang matinong tulog everyday. Nakakawa na din. Parang para samin, nagawa na lahat kaya takang taka kami ano pang problema. FYI, second baby ko na hindi naman ganito yung panganay ko. Breastfeed si baby. Will try now imixed feed, baka kulang lang sa supply. Any suggestions po? Is this something na need to worry about? Baka may ibang problema si baby? #pleasehelp

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

baka naman iritable sa bigkis. di na po uso bigkis ngaun. and ganon talaga kung mas gusto nya buhat or kalong pag tulog tyagain nyo nlang para makapahinga sya. wag nyo ipilit ibaba kung ayaw nya.

4y ago

True mamsh kahit sabihin ng matatanda na masasanay wala na akong pake. Dun naman nakakapagpahinga si baby. Thank you po sa advice ☺️