Anu tingin nyo ang mga advantage at disadvantage of having a gwapo na asawa?
Anonymous
71 Replies
Latest
Recommended

Magsulat ng reply
VIP Member
Advantage, magandang lahi. Disadvantage, sakit sa ulo ng mga babaeng papansin. Kung seswertehin ka pa, lalaitin ka pa ng mga nagkakagusto sa kanya. Minsan pag magkasama kami, para bang di ako nakikita ng iba at ang kapal pa ng mukha magpapansin ng ibang babae. Minsan pa ngang nanunuod lang kami sa court, may nagtatawanan pang mga babae tapos kakanta ng, "akin ka na lang". Sarap sungalngalin. Kating kati jusko. Pero bonus na lang kung yung gwapo mong asawa, mabait at responsable. Wala pa ring mas g gwapo sa lalaking lagi kang napapasaya at hindi sakit sa ulo.
Magbasa paRelated Questions
Trending na Tanong