49 Replies
Mga panahong yan wala sa isip ko magkaka anak ako pinapili pa ko ng mother ko kung itutuloy ko pagkatomboy k o magaaral pa ko eh😂😂😂... Nagsisimula na kasi ako maging tomboy, ayoko na ng black shoes, rubber shoes na pag napasok, tapos pinatastas ko yung palda ko mas mahaba kesa sa required ng school tapos puro tomboy na din tropa ko nun panay girl katxt ko i remember may gf na ko nun sa txt pero di ko sya tinatawagan kasi ang alam nya boy ako... 1month tumagal kami antek kinikilig ako nun eh pag iiloveyouhan kami... Kaso kaylangan ko ihinto ang pagiging tomboy kundi papahintuin ako sa pag aaral.. Mas mahal ko ang studies pa din... I stoped... Nagblack shoes na ko nun and pinatahi ulit mga palda ko bawal na din ako magtshirt bago ang blouse kaso huli na bumagasak na din ang grades ko... Pero nahabol ko naman pagdating ng 3rd year... Yung pagiging girl ko nagtuloy tuloy na hanggang sa makatapos.. Thanks to my nanay😘😘😘 pero di ako agad nag bf nun nagtry din ako mag bf sa cellphone kaso wala eh ayaw pa din... Nagkabf ako nun 18 na ko...it didnt worked out 4months lang ang tinagal😂😂next bf is nung 22 na ko at eto na nga mag 8yrs na kami sa august di pa nakakasal at naabutan ng lockdown😂😂😂 buntis na din sa first baby namin❤❤❤❤❤ at the age of 30... Alam nyo ba na planado to si baby december sabi ko sa bf ko nasa kanila kami nun pangasinan nagbabakasyon sabi ko nget gusto ko naagkababy❤❤... Sya umoo agad gusto na din talaga nya ako lang ang iniintay,, nag do kami nun kinagabihan sabi nya nget eto wala to kasi malapit kna datnan eh kinabukasan nagkaron nga ako that was dec31.... Nag plan ulit kami after ng mens ko... So nag try kami ulit jan 10.. Ayun nagpt ako feb 9 possitive na😂😂😂😘 bago pala ako magpt jan18 nagpunta kami sa PADRE PIO SHRINE may HOLY WATER SANCTUARY dun nagpahid ako sa tummy ko sabi ko sa taas Papa bigay nyo sa sya samin at binigay nya nga THANK GOD... ❤❤❤4x ako nagpt nun eh unang 2pt ko medyo malabo sa nag search ako na pag masyadong maaga baka di madetect so after a week nag 2x pt ulit ako at ayun na nga both malinaw na malinaw two lines❤❤❤❤.. Nunh sinabi ko yun sa bf ko tuwang tuwa sya..
Nung 16 ako, masaya nako pag nabigyan ako ng parents ko 10 pesos mag cocomputer ako tapos mag dodownload lang ng themes para sa cp, pprint wallet size pictures ng anime, tpos mag sousoundtrip sa utube. o kaya, gagala lang sa mga classmate. may mga naging bf ako, pero takot na takot ako pag di kasama ibang kaibigan namin gsto ko madami kami lagi. kase lagi ko iniisip sinabi ni mama, nung panahon daw nung. college sya uso daw na ung pagkain at inuMin mo lalagyan pampatulog tpos magagalaw ka ng bf mo o baka kaibigan mo at baka mabuntis. kaya lahat ng kilos ko non, kalkulado ko lang. 3 pm dapat nakauwi nako 1pm ako nakakagala, tpos jan jan lang. 1st make love ko sa hubby ko na ngayon, 20 years old ako non, college, bf ko palang sya non, nakakabaliw natatakot ako baka nabuntis ako 😂😂😂😂 kahit withdrawal ang nagawa nmin non, and ayunn.. may goals kami, tinapos namin pag aaral, nag trabaho, ngayon 25 nako now palang nabuntis kasi gsto ko na. set ko tlga 25 to 27 magkaaank kasi mahrap nadaw mag anak ang 30 pataass, hehehe. planado pregnancy ko and masaya ako 💓
Nung 16 years old ako hinde pa ako naka experience ng kiss o hawak manlang sa kamay ng lalaki haha pero ang dami kung crush at manliligaw sa class room /Campus at labas ng schools mga kasamahan sa Church pero wala akong SINAGOT sabi ko bata pa ako haha 😂 ASTANG bagets parin ako sa bahay dahil nahihiya ako ni hinde nga ako nagsusuot ng sleeveless eh, short minsan kahit Majorite ako sa school namin.. NagkaJowa ako after college na.. Ngayon narealized na masarap ung feeling ng Crush Crush haha ung pag gumawa ka ng assignment iisisingit mo pa gumawa ng Flames kung crush ka din ba nung Crush mo kc lagi mo iniisip! Haaay sweet sixteen yan palang kc ang stage na yan at magbabago pa ang feelings mo pag tumuntong kana sa 20s kaya d talga advisable na pumasok n a relation na ganyang age kc mapusok at d iniisip ang Future. Kaya sa bandang huli ah un nagkakahiwalay buti nalang ininjoy ko ung pagkateens ko noon haha masarap lang balikan ung ganung age tapos bibilangin mo ung mga nagkacrush sayo at Crush mo! 😂😂😂
Naku ganyang edad nananapak pa ko ng lalake na nagsasabi na crush nya ko🤣 Pero asawa ko na ngayon yung isa sa nasapak ko😂 3rd yr hs pa ksi kami nun. Naging kami 4th yr college, then after 8 years kinasal na kami, and now expecting our little one. Wala talagang chukchuk na nangyare sa 8 years na yun, matinding self control since vocal talaga ako sa dream ko na honeymoon baby💞 Pero seriously malaking factor ang internet sa iresponsableng pagiging liberated ng mga kabataan. Isa ding factor ang mga palabas sa tv ngayon na puro pang adult. Need tlaga ng gabay ng magulang pero nasa bata na din kasi talaga yan.
I'm 31 now. Honestly, I feel that this is the best time for me to get pregnant. I felt that my husband prepared to give me and our baby the life that we deserve. Mahirap mag-ipon at magsarili sa panahon ngayon. Mas inuna namin magkaroon ng stable na career, kumuha ng sariling bahay, makatulong sa magulang kahit hindi pa nila hingin. Nagsettle kami at the best time for us. And I hope bago pagaanak ang isipin ng kabataan ngayon isipin muna nila na ang bata ay reaponsibilidad ng magulang hanggang tumanda sila. Hindi yan basta lang palalakihin at aasahan mo na magsustento sayo pag matanda ka na.
nakakalungkot kase mukhang walang gabay ng magulang, hindi din pinapahalagahan ang edukasyon, hindi nya naisip na kung magkaka anak sila ng maaga kanino sila aasa, kawawa magulang nito, kawawa din magiging anak nila kase puro pasarap lang alam ng magulang nila hayssss dapat isipin muna ang makatapos ng pag aaral bago mag pamilya, jusko grabe mga kabataan ngayon dahil bored lang, ako 30 years old na ako nagka baby pinag usapan pa namin ng masinsinan ng asawa ko kase nga mahirap ang buhay ngayon.
Nung 15 aq kakaregla ko palang😂 tapos ayaw na ayaw ko ung nirereto aq sa kung sinu sinung lalaking kapitbahay..i'd rather read books than makipag laro outside.. busy ako sa church tuesday to sunday..sat. is labda day..monday is relax lang ako..bat mga kabataan ngaun sobrang komplicado ng buhay??boreddd?jusmio maghugas kau ng plato.. mag linis ng kwarto.. mag aral mag luto di ung malakas kapa uminom sa tatay mo kesa matuto mag saing😤😤😤
Wg nman ntn icp n miserable ang buhay ng mga batang nging Ina.. kz ang pinsan q nbuntis s gnyan edad at ngaun dalaga n mga anak nya at pra n clang mgkkapatid.. msya nmn cla at nkk2long n mga anak nya sknya.. my isa p nkpg abroad nrn ang anak nya at ang agang nk2long s pamilya... Aq naman 34 yrs old n at ngaun plng mgkkron ng anak.. naiicp qnlng sna nuon p aq ngstart mg pamilya kz hirap nrn aq mgbuntis
Intindihin mo po muna reason ng bata bago mo ikumpara sa cousin mo momsh.
Bilang isang teacher, ganyang age ung mga hawak ko... Usually kasi masyado silang naddala ng social media, lalo na mga nakkita nila sa FB akala nila yun na ang ideal lifestyle... Or maaaring may problema yan sa family kaya ganyan... Guidance ang need nia... Madami akong students na may jowa na kala m mga gagawn ng asawa ung jowa nila. Nagpplano ng future pero assignment wala. hehe
Guidance tlga need nila... ok lang naman gawing inspiration madami namang hs sweethearts ang nagkakatuluyan wag lang magmadali
I think may pinagdaanan un bata like baka product sya ng broken family kaya walang guidance ng magulang o ng ina.. we play a very important role sa mga anak natin. We should guide them sa kanilang paglaki para d sila maghanap ng attention sa ibang tao o sa ibang bagay. That girl grew up na walang guidance kaya sya nag asawa ng maaga.. 😢
Canimo