27 Replies
Nag ka ganyan po baby ko nung 1 month old mas malala pa dyan ng onti dahil namumula mula at malapit na sa batok mabaho rin po ung amoy . pina check up po namin sa pedia nya advise po ni pedia na wag lalagyan ng pulbo dahil lalo lang dw po lalala kasi sensitive pa balat not advisable daw po ang pulbo at pabango hanggat wala pang 1 year old. niresetahan po sya ng ointment FOSKINA-B antibiotic po un 2x a day manipis na pahid lang po . pag tapos po maligo at linisan ang leeg sa gabi ang pahid , wag daw po punasan ng bimpo ang leeg lalo lang dw po ma irritate ang sugat ang pag lilinis daw po sa gabi basain lang daw po ng maligamgam na tubig ang leeg sabunin at banlawan punasan ng malambot na tela dampi dampi saka daw po lagyan ng foskina b . panatilihin din daw po na tuyo ang leeg ni baby at pahanginan ang leeg para daw po di na ulit maulit . 2 days po nanuyo po agad ung sugat ni baby ko 3 days po nawala na ung iba 4 days tuluyan na po sya nawala at magaling na po ngaun po 1 years old na sya hindi na po ulit naulit un kasi po sinunod ko po ung payo ni pedia😊 sana po makatulong to kay baby
hello mommy i am doc gel. im a pedia. how old po si baby and kelan pa po iyan? kung newborn po sya and di pa napaliguan pwede pong vernix na hindi nalinis. pero kung matagal na, dumadami, and namumula yung ilalim na may puti puti pwede pong fungal infection.
nalilinisan ba ng maige ang leeg ni baby? yung baby ko dati kasi mataba tapos minsan may milk na tumutulo sa leeg tapos kapag hindi nalinis mga folds ng taba nagkakaroon ng maasim na amoy. hindi kaya ganon ngyari mommy? nagkaroon ng infection dahil sa hindi gaano nalilinis?
Parang mamaso? Kasi nag karon baby ko ng ganyan 5days p lng sya non pinacheck up ko niresetahan sya ng antibiotic for 1week pag tapos nun ang pinang pupunas ko nlng sa kanya pinakuluang dahon ng ampalaya .. awa ni lord nawala
momshies,check mo po plagi mga singit singit ng baby,..leeg,kili kili,batok,...yan kalimitan ngpapawis lalo leeg kc minsan kpg gabi naglulungad ang baby...napupunta sa leeg yung milk...para dpt mapaburp cia bago makatulog...at maglagay ka din po ng bib soft cloth sa leeg nia kung sakali maglungad eh dun mapunta sa cloth...
momshies wag mo ilock yung bib sa likod batok..baka masakal nmn c baby...
wag po lalagyan ng pulbo. sensitive pa ang balat ni baby. lagi po tuyuin ang leeg ng lampin or any pamunas na malinis pagkatapos dumede. lagi icheck kung nababasa or pinapawisan.
Hindi po advisable ang pulbo sa mga babies. Dapat lagi dry at malinis ang leeg ni baby. Sensitive pa ang skin nila. Much better paconsult mo sa pedia niya.
or kay bby ko...kpg gnyan mamasa masa kc mataba c bby ko...hiyang sa knya yung tiny buds na rice powder...tsaka baka di cia hiyang sa soap n gamit mo panligo,or panlabasa damit ni baby...dpt mild soap lng tlga...better always check our babies hygiene....
sa gatas po yan mommy.wag nyo po hinahayaan na mapunta sa leeg gatas nya magsusugat po tax ganyan.
Pahanginan mo mommy ganyan din baby ko nuon na wala na ngayon... Pahiran mo ng cotton with warm water and pulbo
sabi po wag pulbohan mommy .hindi ko na kasi alam gagawin ko lalo silang dumadami 😞😭
MARIEL PATOC