disiplina

Anu ba ang tamang pagdisiplina sa bata? Anung idad dapat disiplinahin ang bata? Tama bang paluin ang bata kung nakitaan ng mali? Anu po ba ang tamang paraan?

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para sa akin, kapag ang bata ay nakakaintindi na at nakakapagsalita na ng kanyang nararamdaman o saloobin, pwede na silang turuan ng disiplina. Madalas nilang gayahin kung ano ang nakikita nilang ginagawa ng matatanda. Kung may nagawa mang mali ang bata, marapat na sila ay kausapin ng mahinahon. Subukan nating alamin kung bakit nila nagawa ang bagay na iyon, at ipaintindi sa kanila kung ano ang consequence ng kanilang ginawa. Hindi ako sang-ayon na pagbuhatan sila ng kamay, dahil baka isipin nilang okay lang ang manakit. Pero kung hindi maiiwasan at kailangang paluin ang bata, i-explain na lang ng mabuti kung bakit kailangan syang paluin.

Magbasa pa

Meron sa fb na kapag nagtantrums si baby hayaan lang dw siya wag amuhin ksi pag ganon inispoiled ang baby nagiging cause ng bigay ng gusto ipaalam sa knya na di lahat ng bagay na gusto niya e pwede wag paluin agad siguro di mawawala na mapapalo at mapapalo mo talaga ksi no choice kna e kung super hard headed ng bata pero try na ipa understand sa bata after niya mag tantrums at pagalitan kung bakit ganon at turuan na ipractice how to say sorry sa mga elders na ngawan ng mali or kahit knino

Magbasa pa

Kanya kanyang pagdidisiplina ang mga magulang sa kanilang mga anak. May mga articles na medyo biased na sinasabing wag paluin, o najjudge na ang mga parents na namamalo. Sa amin kahit baby pa noon ung anak namin sinasaway na namin sa mali. If kailangan ng palo ginagawa namin. Ipinapaliwanag namin after bakit napalo sila. Mas pangit na hindi disiplinahin ang anak at lumaki itong di alam ang tama sa mali.

Magbasa pa
TapFluencer

For me sa older son ko start ko xa sinasabihan kapag nag kamali or hnd maganda yong nagawa nya age 1palang kc nakaka intindi na sila nyan.wag paluin agad2 yong bata kapag nag kamali ipaunawa m sa kanya pag kakamali nya at f ever inulit nya bigyan mo ng warning to inform and remind them the consequences and f ever hnd ka nka pag timpi sa temper mo explain to them bat napalo mo sila at yong pag kakamali na nagawa nila...

Magbasa pa
VIP Member

Mamshie try mo nood ng the return of superman kaht mga unang episodes may mga natutunan ako dun pano sila magdiscpline ng bata. Like dpat kung pagssbhan sila wag sa madming tao ppunta sa private na lugar tska mo sia kakausapin and "usap" not galit prang papaintindi mo lang bakit di maganda ang gnwa nia mga gnun tas minsan naman may "time out" na di sia aalis sa isang lugar para pagmunihan ang gnwa nia mga ganun๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
VIP Member

sakin ginagalitan ko or minsan napapalo pag sobra na natural iiyak pero pagkatapos non kakausapin na namin mali ginawa nila tapos magso sorry ako na napalo ko sya at na sorry naman anak ko sa ginawa nya. Minsan talagang mapapalo kasi sobrang stress sa bahay sa gawain pero at the end of the day mas maganda kausapin ang bata kung bat mo nagawa yun. Iba iba naman bawat magulang sa pagpapalaki ng anak.

Magbasa pa

Sa amin pinapagalitan/pinagsasabihan kung may mali ang bata at tinuturuan magsabi ng sorry at ipinapaintindi bakit sya napagalitan minsan napapalo. Masasabi kong effective kasi may pamangkin akong hindi napapalo napapagalitan minsan pero grabeng spoiled brat at sama ng ugali nung bata.

Pinapalo ako NG mother ko. But I have a neighbor na never niyang pinalo or painagtaasan ng boses Ang mga anak Niya. I can see Kung gaano ka buti Ang mga anak Niya. Mayaman sila but Hindi spoiled. Otherwise, explain Lang po natin Kung ano ang Mali nila in a very nice way.

Ako kasi ayoko ng disiplina na may palo, pero ung asawa ko minsan napapalo nia na cla, lalo na pag nag aaway, pinagsasabihan ko asawa ko kasi mas gusto ko ung pagagalitan lang cla kesa paluin, kasi masakit din sakin pag nasasaktan cla, cnu bang nanay na hndi db?

Tandaan lang po natin na any form of violence - mapa pisikal, emosyonal, psychological, o verbal abuse - ay ipinagbabawal sa batas. Kausapin po ang bata at ipaliwanag sakanila sa paraang maiintindihan ng kanilang murang isip.