Benefits ng Calamansi Juice sa Buntis

Anu-ano ang health benefits ng calamansi juice sa buntis? Bukod sa gatas, maaari pa bang uminom si mommy ng iba pang inumin katulad ng calamansi juice para sa buntis? Ang pagkakaroon ng maayos at healthy diet ay mahalaga habang nagbubuntis. Makakatulong ito sa magandang paglaki ng baby at sa kalusugan ng ina. Marami ang pwedeng pagkuhaan ng nutrients o healthy benefits na makakatulong sa baby. Nandyan ang pagkain ni mommy ng gulay, prutas, pag-ehersisyo, pag-iwas sa mga bawal na pagkain o kaya naman madalas na pag-inom ng gatas. Ating alamin ang kahalagahan ng paginom ng calamansi juice para sa pregnant mom. Ano pa ba ang benepisyong matatanggap ni mommy sa paginom nito? Calamansi juice para sa buntis, safe ba? Ang calamansi ay kilala bilang sikat na pampalasa sa mga pagkain sa Pilipinas. Karaniwan itong nilalagay sa sisig o kaya naman pampalasa sa sauce. May iba rin na paborito ito bilang inumin. Kinukuha ang katas nito at saka nilalagyan ng kaunting asukal. Ang calamansi ay nakakatulong sa pag kontrol ng cholesterol sa ating katawan. Swak na swak inumin ito ng mga taong gustong magpapayat. Napapababa rin nito ng risk ng pagkakaroon ng heart attack, stroke o atherosclerosis. Pero partikular na tanong, pwede bang inumin ang calamansi juice para sa buntis? Marami ang nagsasabi na ang kalamansi ay mataas ang acidic content. Pero alam niyo bang nakakatulong ito sa pagpapababa ng acid sa katawan? Marami ang ang umiinom nito para mapabuti ang kanilang tyan. Ang pag-inom nito ay maiiwasan ang ulcer at acid reflux. Narito ang ilan pang benepisyo ng pag inom ng calamansi juice para sa buntis: Benefits ng calamansi juice para sa buntis Ang vitamin C na galing sa calamansi ay nakakatulong sa oral problems katulad ng pagdudugo ng gums, tooth decay o gingivitis. Para naman sa bowel movements, malaki rin ang naitutulong nito para maiwasan ang constipation sa isang tao at pagpapanatili ng healthy kidney. Naalis nito kasi ang mabahong amoy ng ihi at napapabago ang kulay nito. Sa isang pag-aaral ng International Journal of Science and Research, napagalaman na nakokontrol ng pag-inom ng calamansi juice ang diabetes sa tao. Ito ay dahil nakakatulong sa maayos na paglalabas ng glucose at insulin sa pagdaloy ng dugo. Ang madalas na paginom ng calamansi juice ay dahilan ng matibay na immune system. Ito ay dahil sa taglay nitong vitamin C na kumokontrol sa bacterial infection at napipigilan ang pagkakaroon ng lagnat, sipon at ubo. Ngunit para sa mga buntis, hindi laging pinapayo na uminom ng calamansi juice. May limitasyon para sa mga buntis ang paginom ng calamansi. Ito ay dahil maaaring magkaroon ng heartburn ang isang buntis kung sobra-sobra itong uminom ng calamansi juice. Bukod dito, mararanasan rin ang stomach cramps, indigestion o diarrhea kung labis labis ang pag-inom nito sa buntis. Maituturing na healthy drink ang calamansi juice lalo na para sa buntis pero dapat ay may tamang disiplina sa pag-inom nito. ‘Wag dalasan ang pag-inom at dapat in moderation palagi. Kung may alanganin, ‘wag mahihiyang komunsulta sa iyong doctor para mabigyan ng payo sa paginom ng calamansi juice para sa pregnant mom at iba pang advisable na inumin. By: Mach Marciano The Asian Parent Philippines

Benefits ng Calamansi Juice sa Buntis
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Thanks for the info po :) Godbless po