Girl or boy
Anong symptoms or kahit anong nararamdaman nyo na mas nagpalakas ng kutob nyo na baby girl/boy dinadala nyo? Pa share naman mga mie. Thankyouuu #pregnancy ##firstbaby

Sakin grabe paglilihi ko nung 1st tri. ultimo tubig sinusuka ko. Tas napakatamad ko lalo na sa pagliligo. Nakakahiya man pero inaabot ng isang linggo bago ako maligo. Pero syempre nagpupunas nagpapalit parin araw araw lalo na ng undies 3 x a day. Tas ang haggard ko. Di ako nawawalan ng pimples pero di naman marami. Di rin ako palaayos. Sabi nga nila para daw akong matanda. 😅 1st tri mahilig ako sa maasim at maalat. Pero pansin ko ngayong 3rd tri matatamis na hanap ko. Patulis din tyan ko. Tapos may part ng kili kili at leeg ko ang umitim. Yung mga guhit guhit pero di naman malala. Baby boy pala sakin.
Magbasa pa



