25 Replies

Sakin grabe paglilihi ko nung 1st tri. ultimo tubig sinusuka ko. Tas napakatamad ko lalo na sa pagliligo. Nakakahiya man pero inaabot ng isang linggo bago ako maligo. Pero syempre nagpupunas nagpapalit parin araw araw lalo na ng undies 3 x a day. Tas ang haggard ko. Di ako nawawalan ng pimples pero di naman marami. Di rin ako palaayos. Sabi nga nila para daw akong matanda. 😅 1st tri mahilig ako sa maasim at maalat. Pero pansin ko ngayong 3rd tri matatamis na hanap ko. Patulis din tyan ko. Tapos may part ng kili kili at leeg ko ang umitim. Yung mga guhit guhit pero di naman malala. Baby boy pala sakin.

For me unreliable yung symptoms kasi hanggang 4months grabee yung pagsusuka ko, walang gana kumain pero blooming daw ako (baby girl daw), tapos nangitim leeg at kili2 ko tapos biglang may amoy kahit bagong ligo wala nmn to before pregnancy (baby boy daw) Pero I have this inner instinct na boy, ewan ko san nanggaling yung nararamdaman ko pero dahil nga sa super grabee ng morning sickness I was expecting na babae pa rin, gumawa na nga ako ng name for girl tapos nung ultrasound boy daw sabi ng OB.

ako instinct ko lang. parang normal lang ako nung nagbuntis walang kahit anong sintomas bukod sa di ako nagkamens at lumalaki tiyan ko hahaha. kaya di ako naniniwala sa mga signs iba iba kasi pagbubuntis. may iba nagsasabi boy raw kasi di ako palaayos(di talaga ako palaayos even before). meron din nagsasabi girl daw kasi di nagbago itsura ko. pero una pa lang ramdam ko na boy siya. hehe ayon boy nga.☺️

sabi bilugan daw ang tiyan mommy babae daw un.. hnd ako masyado naniwala sa mga sabi sabi .. pero mother's instinct ko baby girl ang baby ko .. aun baby girl nga hehe nagka morning Sickness din ako, wala akong pinaglihian kung ano makain ko aun na d ako naging pihikan sa pagkain , hnd din ako tinigyawat ng bongga kahit wala akong gingamit na mga cream cream.. sabon lng😅 I'm 28weeks preggy po ang it's a girl😁

sa akin po kc kabaligtaran lahat ng sintomas nun nagbuntis ako sa bunso at panganay ko parehong di ako pinahirapan sa pagbubuntis,paglilihi pero ngaun grabe hirap ako kumain s 1st trimester ko kaya ramdam ko n baby girl na at tama nga sa ultrasound ko nun 20 weeks baby girl pero di pa ako maxado nagsaya at baka mapurnada pa pero nun 24 weeks sa CAS ultrasound naconfirm n tlaga baby girl n kaya tuwang tuwa ako

VIP Member

pansin ko lang dalawang anak ko lalaki nung nasa tyan ko sila ang lakas nilang sumipa as in kada gagalaw sisipa sila..pero itong pinag bubuntis ko ngayon babae kaibahan lang sa galaw ni itong girl ko di gaanong magalaw paumbok umbok lang ng tuhod ata un..tas napakadalang sumipa..di rin ako gutomin di gaya dun sa dalawang lalaki ko di talaga magkakayus na di ako kakain sa hating gabi..

sa akin kasi nananaginip ako pareho sa 2 anak ko na boy daw magiging anak ko as in sa panaginip ko nakikita ko may pototoy na baby😆 mga 7weeks pregnant ako ganyan napanaginipan ko sa parehong babies ko.. kaya alam ko na bago iultrasound Anu gender ni baby ko.. sa sintomas kasi same same lang naman siguro.. kaya Ultrasound lang talaga makakapag confirm ng gender ng baby

ako gusto ko na ng baby girl talagang gustong gusto ko kaso dalawang beses na sakin pinamumuka ng panaginip ko na lalaki daw magiging anak ko una nanganak ako baby boy as in kita putotoy tas ang itim pa 😂 sunod na gabi nag pa ultrasound ako lalaki din daw 😂 yun na nga nung nag pa ultrasound ako sabi ng OB ko BOY daw dalawa na boy ko kaya gusto ko sana girl naman 🤣🤣

boy- pag nakatalikod mukang di buntis mas nag glow ung skin nangitim din naman sa kilikili na part pero blooming ung face laging nay uti 😂 maselan hangang pag anak girl, walang masyadong nararamdaman na changes kita agad na buntis kahit nakatalikod pumangit ung muka na parang stress at di natutulog haha based sa exp ko lang naman

Sakin instinct ko boy, pero gusto ko talaga boy, may mga nag sasabi na boy daw kasi sa hirap ng paglilihi ko at hindi daw ako palaayos, may mga nag sasabi naman na girl daw kasi di nag bago itsura ko. Madalas ko din maramdaman si baby sa right side ko kaya hoping na baby boy sana ☺️

same sakin nanaginip ako ng mga bata n lalaki😊kaya inixip ko n tlga baby boy pinagbubuntis ko..yung cravings ko matatamis at grabe mornings sickness halos 2 mos.kya medjo umasa n babae kaso wala eh lalaki tlga,tsaka baby bump ko ndi malapad ganun daw kc pg babae..

Trending na Tanong