Anong feeling??
Anong feeling kapag mag lalabor at nanganganak na para sa first time moms?
Labor, intense contractions talaga, for me nagsisimula sya sa likod then paikot sa tagiliran hanggang umabot sa harap. Magsstay for a while then mawawala. Tapos babalik. Wala ako masyadong nafeel nung crowning na mismo, nakafocus na yung utak ko sa pain ng contractions, sa proper breathing, and pagsunod sa instructions ng dr. Nung palabas na sya natakot ako akala ko mapupunit pero hindi naman, push lang, sabi din ng mga nagpaanak sa akin andyan na yung ulo, ituloy tuloy ko na raw. So push talaga, tama naman sila kasi the sooner I push him out, the sooner na mawawala ang sakit. Nakayanan naman, mabilis lumabas si baby kasi fully dilated na ko nang makarating kami sa hospital. No time na rin for any pain management. Ang advise ko lang mommy, surrender yourself to the pain. There's no way to stop it, but it will pass. Talk to your OB about your birth plan kung gusto mo painless or what. Practice breathing exercises, malaking tulong during contractions. And hangga't buntis ka pa lang, look into exercises for your pelvic floor muscles, useful yan to avoid incontinence after manganak.
Magbasa paLabor is 10x dysmenorrhea po. Di mo maintindihan pakiramdam mo. Sobrang sakit lahat. Delivery for me, parang tumae ka lang. Painless kase so wala akong maramdamang pain even nung tinatahi na ko ramdam ko yung tusok ng karayom pero di masakit.