BYENAN na pakelamera!

anong dapat gawin kung ang byenan mo pinakekealaman ang paraan ng pagiging magulang mo, dapat ba kasama sya sa parenting journey namin na halos gusto nya sya na ang magdedesisyon pagdating sa anak ko at sa mga bagay na gusto ko mangyari o ginagawa para sa LO ko pero imbis na respetuhin nya sinisita ako palagi at sinisisi, kagaya ng ayokong maging maselan ang LO ko pagdating sa damit nung mag 1 taon itinigil ko na ang pagpaplansya ng kanyang mga isinusuot pero madalas sa akin isisi ang pagkakaroon ng biglang pantal o minsay normal na pamumula sa balat ng anak ko. Ayoko naman hayaan na plantyahin nya pa ang damit ng LO ko dahil ayoko magkaroon ng utang na loob sa kanya kahit na sinabihan nya pa akong sya nalang ang gagawa. Ano po ba dapat ko gawin? #1stimemom #pleasehelp #advicepls

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

If kasama nio siya sa bahay better yet bumukod kayo ng asawa mo. Hindi kasi talaga maganda na kasama ang byenan sa bahay. Kahit gaano pa kabait ang byenan, hindi 100% na di kayo pakikielaman.

3y ago

nakabukod naman pero sa kanila kase naiiwan si LO kapagka may work po kami ni LIP. ang hirap din konting kibot lahat sisi sa amin .

leave and cleave momsh para hindi mahirapan.

3y ago

salamat po sa advice pero pano kung sa kanila naiiwan si LO kapagka may work kami.