Wish granted!

Ano yung gusto niyo agad agad gawin pagka panganak kasi hindi pwede nung buntis pa? Ako, uminom ng maraming coke habang nagpaparebond at kulay ng hair. At tsaka mag netflix at matulog ng nakadapa ?? Kayo ba mga mamsh?

52 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang makatulog ng mahimbing. Grabe hirap na nga matulog, tapos kapag nakatulog ka naman eh magigising ka dahil naiihi ka.hirap nanaman makuha tulog.ihi.tulog. Sa pagkain kasi lahat naman natitikman ko andyan parati si hubby na nagreremind na makakain ako ng kaunti eh tama na.

Mag travel at kumain ng kumain! Kaso after giving birth sobrang hirap pa pala kesa sa buntis makakakilos kilos pa kasi solo ka lang, unlike pag nandyan na si babu puyat to the max at sobrang busy na mag asikaso no time na sa sariliπŸ˜…

Ako pagkapanganak ko d ko agad kinain mga gusto ko pero nung pagka 1month ni Lo kain tlg ko ng marami.. lahat ng bawal dati like cake, ice cream, 2-3 rice wow sarap mga dessert

TapFluencer

Gusto ko na mag kape, mag jogging at mag exercise ulit. Matulog ng nakadapa, magshorts, kumain ng madami chocolates, mag milktea at madami pa iba. Hahaha

magkape at kumain ng Ice cream. Buko pandan, mango graham. Lahat ng matamis. Pass muna sa mga junkfoods at softdrinks dahil ang bilis ko lang magka UTI. Hahahaha.

VIP Member

Coke, rebond, mag samgyupsal with unli kimchi hahaha miss ko na spicy foods, umorder ng mocha frappe sa starbucks at kumain ng ibat ibang chocolates πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Parang gusto ko magpa-gluta drip πŸ˜‚ Kaso breastfeeding ako din, di pa pwede. Naiinis kasi ako sa itsura ng balat ko, hindi na din pantay-pantay ang kulay.

Lahat yan mamshie at uminom ng kape gstong gsto ko magkape pero feeling ko masama namn ky baby πŸ˜‚ tska alak na din πŸ˜‚πŸ˜‚

Same here... Inom ng super lamig n coke... Kain ng cake.. Pudding... Jco... Krispy kreme and many moreeeee.. Hahaha

Ako din gusto ko ng magparebond at mani-pedi habang nagmimilktea at siomai πŸ˜‚ and yes, matulog ng nakadapa