Coffee na pwede sa buntis

Ano pong pwedeng kape na pwede sa preggy? Kaping kape na kasi ako😢 gusto ko sana mag ice coffee. Nag stop ako mag coffee since preggy na ako. #pleasehelp #advicepls

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kahit anung kape pwede..basta 1cup a day lang ..mga parents nga ntin dti kahit buntis sila kape pa rin ng kape .kung mag iinarte tyu talagang maselan..kasi noon naman walang bawal bawal..ngaun kc my ob na maaarte..pero honestly mas ok pa noon kasi wala tlaga bawal..compare ngaun..oh dba healthy naman tyu khit nung pinagbubuntis tyu ng mga mama ntin puro sila kape .kasi yun ang pantawid nla sa gutom nun .😊😊😊..kya ayos lang magkape mga momsh..

Magbasa pa
2y ago

Hindi po maarte ang mga OB, pinag iingat lang nila tayo. Iba din po ang panahon nuon sa ngayon. Ang advice ko lang sayo momsh, kung ayaw mo mga sinasabi sayo ng OB mo, mag palit ka nalang ng ibang doctor.

hi sis. better stop urself. 9months lang naman ung pagtitiis tapos pede na ulit kahit ilang baso pa yan. mapabarako o SB. I gave birth to my 2nd son with heart problem. im not saying kape to as wala naman both sides na ganitong sakit and hindi naman nila malaman y. pero I just wish I didnt say "wala naman mawawala" and tumikim parin ko ng coffee noong nasa tyan ko pa sya. be cautious. tikim hindi pa ko nakaisang baso. I also like food that taste like coffee. so stop urself before magregret ka din like me

Magbasa pa
2y ago

btw nakakapalpitate ang coffee. kung mamemeasure mo ung caffeine every cup and you dont care po sa risk kay baby then go take it like what other comments here says.

Ako din po coffee lover minsan pampatulog ko sya pero nung nalaman kong buntis ako tinigil ko sya until now na 30 weeks pregnant ako. Marami nagsabi na pwede naman mag kape pero in-advice ng OB ko na hangga't maaari iwas muna. Malakas kase makapag palpitate ang kape isa pa, mabilis hingalin ang buntis kaya iwas po muna. Konting tiis para din kay baby 😊

Magbasa pa

as much as possible iwas ka naalng muna momsh.. ako mahilig din ako sa coffee pero nung nabuntis ako tigil ko talaga sya.. para narin yan sa safety nyo ni baby..mabuti na yung healthy kayo pareho.. pero if you insist much better na magtanong ka sa OB mo if meron ba alternatives para sa cravings mo sa coffee.

Magbasa pa

true Mnsan ksi Pag Sinunod talaga natin mga Bawal wala tayo mkakain Aku nga dati sa 2 baby ko Wala talaga akung Sinusunod na bawal araw2 aku ng sosoft drinks Mga seafoods maanghang matamis lahat ng prutas kinakain ko Pero thank full po aku super healthy p nla at wla naman pong Nangyari

2y ago

eh kung nagkasakit po ang isa sa mga anak mo, will u say worth it ung nakain mo ang gusto mo? seryosong tanong po. will you still be proud that u did what u did kase ang reason is gusto mo lang e risk it all?

pwede nman bsta d ka acidic or may problem sa puso. ako kc dati pa khit d pako preggy everyday coffee ako at nag stop nung preggy ako 5mos na tyan ko bago ulit nag coffee 1 cup per day lang po dpat pra iwas heartburn nrin

may anmum po na mocha latte kasi sabi ng ob ko bawal ako sa caffien so i found out na may anmum mocha latte ayon ang iniinom ko nung nag bubuntis ako so far ok naman at healthy ang baby ko.

Sakin momsh yung chillz ng ministop - great taste white po gamit nila. Minsan lang pag sobrang takam ko lang, siguro once or twice a month lang. Tapos di po pinapaubos sakin ni hubby hehe

Ako rin po mahilig sa kape, tinanong ko rin po yan sa OB ko sabi nya okay lang daw po mag kape any brand basta 1 glass a day lang po mahirap daw po kasi pag sumobra ka magkapatig.

Ako din nung ndi pa ako buntis every morning tlga ko ng kakape pero ngaun 24weeks na ko 6months na ko ndi nagkakape kc bawal daw sarap pa naman mag kape sa umaga..

Related Articles