lab test

Ano po yung VDRL HBS-AG HGB. HCT RT. URINALYSIS sa lab test? Huhu nikakabahan ako sana okay lahat ng result bukas dahil dito nakasalalay ykung tatanggapin kame sa lying inn.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Routine Tests po yan for pregnant women. VDRL- ichecheck po yung blood niyo if may sakit po kayo na syphilis (Blood transmitted infection) HbsAg- blood screening test po for hepatitis B (blood transmitted infection) *Kaya po chinecheck yung dalawa kase po pwede po ang transmission kay baby, para if reactive man po ang result mabigyan agad ng gamot si baby or may other ways to combat naman po yun* Hgb/Hct- blood test po wherein ichecheck po if may possibility na may anemia kayo and ichecheck lang din naman po ang blood level niyo kung keri po ba yun kung manganganak kayo. (For example, mababa yung result, pwede iparepeat siya the other week, kung anemic talaga baka iparequest kayo ni Doctor na magpareserve ng blood unit para ready for transfusion if incase nag super drop ang hgb/hct during delivery ni baby (wag pong matakot, normal scenario lang din naman po yun) ) Urinalysis- ichecheck ang ihi if may UTI. Usually po kase sa mga preggy mas madalas nagkakaUTI. Hope it helps! 😊

Magbasa pa
6y ago

Galing naman po, thank you mommy.πŸ₯ΊπŸ₯°