Asking for advice
Ano po magiging reaction niyo kapag sinabihan kayo ng mister niyo ng "mamatay kana"?

iwanan mo na yan mommy, baka dumating yung araw na pagbuhatan ka pa ng kamay nyan, nakakatakot kung pati mga bata nadadamay. red flags na sa salita, magiging actions na nya yan susunod. Kaya dapat piliin ng mabuti ang makakasama. Di lang sa itsura. 7 yrs kami ng mister ko bago nagpakasal, 4 years dun niyayaya nya ako magpakasal. di pa ako ready. pero matyaga lalo kaming nagkakilanlan. nagready sya para saming dalawa. kaya wala akong pagsisisi. ngayong buntis ako, mas lalong bumabait at nagiging responsible. never ako sinaktan nito. kaya pls. lang po. wag agad-agad mag-aasawa o magpapabuntis kung di pa talaga kilala. kawawa ang mga bata pagdating ng araw. piliin mo yung kaya maghintay, may respeto, at higit sa lahat may magandang pangarap para sa inyo at sa mga anak nyo.
Magbasa pa

