49 Replies

Almoranas/hemorrhoids na po yan. Common talaga sa ating mga buntis ang constipation. Wag mong ipilit na umire pag natae ka. Ipahinga mo konti. Lakad lakad ilang minutes pag nafeel mo natatae ka try mo ulit mag cr pero wag na wag mo pilitin kung ayaw lumabas. Pero para maiwasan mo yan try mo uminom ng yakult 1 bottle lang everyday. O kaya prune juice, half glass lng dapat warm. Wag mo lang sosobrahan kasi mag kaka diarrhea ka naman. Pero since may nalabas na na ganyan. Try mo ibabad sa maligamgam na tubig whenever you can. Basta may time ka ibabad mo lang sa maligamgam na tubig dapat madalas din. Hope it helps.

trueeee. yakult din panlaban ko sa constipation eh, or pwede din suha

ako.mi ngkaganyan ako,.pero now kunti siya ,ayaw pa bumalik kasi buntis pa ako..pero dina siya masakit at malaki at hindi narin makati.,yung una sis sobrang sakit niyan sakin ,kasi lumaki siya, pero hot compress lang ginawa ko, sa bulak ko lang dinapdampi na kaya mo ang init..sarap sa pakiramdam mi, tiisin mo lang,..gagaling din yan..promise effective yung sakin..hot compress sa bulak..3 times a day..ngayon kunti nalang, babalik yata to kung manganak na ako..

DATI PO NADUGO DUGO LANG YAN KAPAG MAG DUDUMI AKO , AT NUNG TUMAGAL MAY NAKAKAPA AKO MALIIT NA MAKATI HANGGANG SA NITO LANG NAKAPA KO SYA AKALA KO DUMI PA SA PWET KO , HINDI PALA KAYA PINAPICTURAN KO SA KAPATID KO PARA MAKITA KO KUNG ANO YUN , NAGULAT AKO KASE ANG LAKI NA NYA AT PARANG NAMAMGA NA MINSAN MAHAPDI , PERO MINSAN NAMAN HINDI SYA MASAKIT/ MAKATI , HINDI KO TALAGA ALAM ANO YAN , KAYA NAG POST NAKO DITO BAKA MAY KATULAD AKO , ANO KAYA PWEDE KO IGAMOT

same here pinapasok ko nalang pag lumalabas haha

may ganyan din aq mii,lalo na paghirap aq dumumi tas pipilitin kong ilabas ang dumi ssbay din sya..ang ggwin q pra ndi sya msyadong nklabas susundutin q ng daliri q ppsok uli sa pwet pra ndi nakaluwa.kumain ng gulay,mas maganda okra mkkdumi ka agad tas inom ng maraming tubig.😊

TapFluencer

May ganyan din ako.. Minsan parang tinutumbong ako.. Na matatae na ewan. Nawala na yun ganyan ko dati.. Bumalik lang nung nanganak uli ako kay Bunso. Mawawala din yan mi. Basta wag lagi matigas ang poops mo. Lagi ka kain maya man sa fiber para mabikis mag poops. Inom din madami tubig..

TapFluencer

ang pagkakaroon ng rectal prolapse pagkatapos manganak kung saan bumababa at lumalabas ang rectum o dulong bahagi ng bituka sa puwitan ng ina. Dulot ito ng pagkakaroon ng punit sa anal sphincter o tumbong dala ng hirap sa panganganak.

hemorrhoids po mommy .. Dahil po constipated lagi ang buntis kaya nagkakaroon po nyan .. banggitin nyo na lang din po sa ob nyo kapag nagfollow up check up po para mabanggit yung tamang interventions po dyan 😊

Ganyan din akin 😵‍💫 Pero hindi sya masakit. May ganyang bumo lang talaga. Nung sinearch ko wala ako nahanap kasi di ko alam tawag. Hinayaan ko lang haha meron pa din hanggang ngyon di naman sya masakit

Mi para di ka mahirapan jumebs, mag take ka ng yakult after meal. Dahil kasi sa constipation kaya ka nahihirapan dumumi at dahil yan sa pag ire mo and iwas ka po muna sa spicy foods.

VIP Member

Almoranas po yan. Minsan po normal sa mga buntis ang magkaroon ng almoranas since most of the time po eh constipated po tayo wag ka lang po masyadong umiri pag mag pupupu ka. :)

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles