Biyenan

ano po ginagawa nyo mga mami pag di niyo kasundo biyenan nyo? survey lang po...

32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

wag mo po pansinin sis ganon lng.. sasagot ka lng kung kakausapin ka.. kami ok kmi ni MIL noon pero nung napuno nako na lagi nya nlng ako nasisigawan na kesyo kinurot ko daw anak ko kaya umiyak na nman or sinaktan ko daw eh ndi ko nman tlaga sinasaktan anak ko.. palasigaw ako pag nananaway kay baby syempre kakulitan nya as in super kulit pero di ko ginagawang saktan anak ko.. kaya 1time umiiyak baby ko sabi nya na nman kinurot ko daw sumagot ako sabi ko oh baka kinurot ko na nman yan ah andto nako sa baba bago pa umiyak yan then narinig ni hubby ayun ako pa pinagalitan.. sinabi ko sa knya ung ugali ng nanay nya na lagi nlng akong ginaganon khit nasa labas at madaming tao pa.. ending di na kmi nag papansinan ngaun and mas ok un para sakin dahil dpat tayong mga magulang ang masusunod pag dating sa mga anak natin.. sorry dmi kong chika.. haha!

Magbasa pa
4y ago

hahahaha tama ka naman dyan mami my child my rules wag sila dapat nangingielam

Ako naman mababait in laws ko..... ang problema d kami nagnuusap o nag kakailangan pa kami dahil ako d marunong mag ilonngo pero medyo may naiintindihan lang at ang inlaws ko d marunong magtagalog at d rin nakakanintindi n tagalog kaya nga may translator kami😂... nung cnama ako ng hubby ko sa province noon..... Pero sa totoo lang abgbgusto ay naka bukod kami sa inlaws ko at sa parents ko...😂😂 buti ganun nga ang nangyari

Magbasa pa
4y ago

ganun din po ang balak ko sana ganun din si hubby ko hays

Ako iniiwasan ko. At sinasabi ko sa asawa ko ang mga sinasabi sakin ng nanay nya.. kaya asawa ko nakikipagtuos sa kanya.. mahal ko kc asawa ko kaya di ko pinapatulan, un nalang bnbgay kong respeto sa knila.. hayaan mo na sila atleast andyn ka sa puder nio.. bihira lang kc ang mabait na byenan..

4y ago

true po yan mamsh. ako nagsasabi din kay hubby pero ilang oras bago magbago isip bilis kasi mabrainwash

Kung ndi kasundo ang byanan kung kaya bumukod bukod na. Mahirap tlaga makisama.. Wala naman ako problema sa byanan ko. Pero khit ganon mas ginusto namin bumukod ni hubby. Ni huminging ng khit ano ayoko. Ayoko kc my nasasabi cla. My masabe man cla atlis ndi kme nkaasa sa kanila.

Ako po noong may work ako grabe gustong gusto ako ng biyanan ko.tapos nawalan ako ng work aun na lumabas na sama ng ugali pati mga anak nia.pag talikod ko kong ano ano sinasabi.de numero ang galaw ko sa bahay nila.kaya LUMAYAS nlang ako.kc sobrang liit ng mundo ko sa kanila.

4y ago

same here mami. mahal lang tayo pag napapakinabangan haynako. bat kaya sila ganun

Maging mabuti pa rin sa kanila at wag pakitaan ng di maganda. Doesn’t mean na pag trinato ka ng masama, ganon din gagawin mo. Pwedeng maging mabuting tao without being dehado. Just be smart and classy in dealing with it lalo na sa pera :)

4y ago

pano kasi nakiusap lang ako na pagsabihan anak nya sa mga needs ni baby. aba mami sakin pa nagalit ayaw nya kasi pinagsasabihan ko anak nya

Magkasundo naman kami ng byanan ko pero dahil nasa stage na siya ng nagmemenopause, may mga times talaga na alam mo na.. di ko na lang masyado kinakausap pag ganun. Yung asawa ko sumasalo kapag moody si MIL 🤣

4y ago

yung biyenan ko mami di pa naman menopose pero ung ugali nya pang menopse na hehehe

better na lumipat nalang...para less hassle at gulo... pero kung no choice tiis tiis nalang... pagpasensyahan.. intindihin... at wag lagi magpakita.. iwasan nalang hehehe...

4y ago

ay sis di nako nakatiis umuwe nako sa fam ko ayoko mastress buong quarantine e

dedma .. isipin mo kausap mo nanay mong nagsisermon .. pasok sa kabilang tenga labas sa kabilang tenga .. iwasan makipagargumento .. hindi ka mananalo dun .. 😂😂

Magbasa pa
4y ago

yun nga problema mami e hindi sakin denederecho ung problema nya sakin sa ibang tao pa malalaman ko nalang kasi sinasabi sakin nung pinagkwentuhan nya pero pag kaharap ako laging nakangiti paka plastik

Nakatira ako sa IN-LAWs ko. I know the feeling. But sometimes your have to be relax. If iba na mukha ni inlaw, pasok ka sa room.hehehe

4y ago

kaya nga po e. pag ganun dedma ko e mabuti at nandito ako sa Fam ko ngayong quarantine at wala saknila mahirap makisama saknila