Hindi supportive parents sa pagbubuntis

Ano po dapat gawin or advice nyo sa magulang, specially nanay na di suportado sa pagbubuntis mo? aminado ako na medyo maaga akong nabuntis (19) currently at my 25 weeks at ngayon lang ako umamin sa parents. Disappointed ang dad ko pero surprisingly sya yung concerned sakin. Yung nanay ko yung sobrang galit which is normal. Tinanggap ko naman na pagkakamali ko at ako at partner ko ang gumagastos sa check up and vitamins. Pero mother ko is parang itinakwil ako because kahihiyan daw ako sa iba. tanggap ko naman pero medyo masakit lang talaga na sa ina ko mararanasan na saktan ako at itakwil sa kabila ng pagbubuntis ko. Sa side naman ni partner ko is gustong sa kanila na ako at sila na ang bahala. Alam kong malaking pagkakamali at kahihiyan ako. Matatanggap pa kaya ako ng nanay ko?

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

"Tinanggap ko na ang pagkakamali ko..." ...unfortunately, ang nanay nyo ay hindi pa po. Masakit po talaga pero unfortunately ay isa po yan sa consequences of your action. Unawain nyo na lang din po na nasaktan at nadisappoint sya at bigyan nyo sya ng time para matanggap. Sa ngayon, just do your best na ipakita sa nanay mo that you're ok, that you can take care of yourself and your family. Patunayan mo sa kanya na hindi dapat ikahiya ang nangyari sayo, and hopefully ay matanggap ka ulit nya.

Magbasa pa