Hindi supportive parents sa pagbubuntis

Ano po dapat gawin or advice nyo sa magulang, specially nanay na di suportado sa pagbubuntis mo? aminado ako na medyo maaga akong nabuntis (19) currently at my 25 weeks at ngayon lang ako umamin sa parents. Disappointed ang dad ko pero surprisingly sya yung concerned sakin. Yung nanay ko yung sobrang galit which is normal. Tinanggap ko naman na pagkakamali ko at ako at partner ko ang gumagastos sa check up and vitamins. Pero mother ko is parang itinakwil ako because kahihiyan daw ako sa iba. tanggap ko naman pero medyo masakit lang talaga na sa ina ko mararanasan na saktan ako at itakwil sa kabila ng pagbubuntis ko. Sa side naman ni partner ko is gustong sa kanila na ako at sila na ang bahala. Alam kong malaking pagkakamali at kahihiyan ako. Matatanggap pa kaya ako ng nanay ko?

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

"Tinanggap ko na ang pagkakamali ko..." ...unfortunately, ang nanay nyo ay hindi pa po. Masakit po talaga pero unfortunately ay isa po yan sa consequences of your action. Unawain nyo na lang din po na nasaktan at nadisappoint sya at bigyan nyo sya ng time para matanggap. Sa ngayon, just do your best na ipakita sa nanay mo that you're ok, that you can take care of yourself and your family. Patunayan mo sa kanya na hindi dapat ikahiya ang nangyari sayo, and hopefully ay matanggap ka ulit nya.

Magbasa pa

same reaction ng parents natin sis. pero 24 yrs old naman na ako nung nabuntis, madaming pang pangarap sakin magulang ko that time kasi mag abroad pa sana ako kaso hindi natuloy kasi nga nabuntis ako. Pero later on naman natanggap din ng mother ko, iniisip nya lang if kaya na ba natin tumayo sa mga sarili nating paa kaya ganun siguro reaksyon nya. magiging okay rin ang lahat

Magbasa pa

bgyan mo lng ng time yung mommy mo hanggat matanggap nya . ganun talaga , mas yung nanay kase naten yung nag lolook up sa magandng future naten . antayin mo pag nakita na nya ang apo nya .. Sana lng sender pakita mo sknya na hnd kahihiyan ang isang tulad mo for sure matatanggap at matatanggap ni mommy ang nangyari ❤️

Magbasa pa