Boobs problem
Ano po bang pwede gawin dito please help me 30 weeks pregnant po ako. Sobrang kati ng paligid ng boobs ko. Yung nipples naman hindi naman makati pero yung paligid sobraaaaa. 30 weeks na po ako pero boobs ko lang may stretchmarks. Sa tyan wala. Di rin makati tyan ko.. What to do po?? May same case ba dito ng sakin po? Please help me.. 😔😔😔😔😔😔 Pag kinakamot ko po yan di ako nagamit ng kuko. Haplos haplos lang kahit sobrang kati. Sobrang pinipigilan ko. Nag aapply din ako lotion sa boobs everyday. Ano po ba yang nasa paligid ng boobs ko stretchmarks ba yan or ugat or naipit na dugo po?? Please help.. Mawawala pa ba yan? 😞😞😞😞😔😔
Paningin ko po stretchmarks. Hindi po nakukuha ang stretchmarks sa pagkakamot. From the word iself po stretch, marks, mga marka po yan ng pagkabanat ng balat. In my case yung stretchmarks ko nagstart sa hita malapit sa singit, 30 weeks ako nun. From then on kumalat siya hanggang likod ng tuhod. 31 weeks ako nagkaroon ng isang stretchmarks sa pagitan ng puson at pusod ko, and ganon then gradually dumame, abot hanggang balakang papuntang pwet. Lahat yun hindi ko kinamot. Yung boobs ko, yun! Ang kinamot ko. From 1st trimester to third pero walang stretchmarks. Nagkastretchmarks na lang nung 2 week postpartum ko, nung nakakaranas na ako ng engorgement. Kaya, ayoko man pong sirain ang hopes niyo na maalis pa yan, pero ang katotohanan po, hindi na yan maalis. Maliban na lang kung ipapalaser mo yan nang fresh (brownish reddish maroonish ganon ang kulay) pa yung stretchmarks, kasi may chance pa according sa isang derma, once na naglighten na yan nag kulay puti na, hindi na yan matatanggal considered as scar na. Okay lang po yan. Normal po yan sa nagbubuntis. Walang nagbuntis na makinis, for sure kung hindi stretchmarks ibang skin problem ang meron sila. Nagbubuhay ka ng bata sa loob ng tyan mo at paglabas niya ikaw parin ang source of life niya, natural lang na nakakaranas ng matinding pagbabago ang katawan natin. Okay lang po yan. Don't stress ❤️❤️❤️
Magbasa pa